Ang touch screen at mga button
Ang Suunto Ocean ay may touch screen at tatlong button na magagamit mo sa pag-navigate sa mga display at mga feature.
Mag-swipe at i-tap
- mag-swipe pataas o pababa para mag-navigate sa mga display at menu
- mag-swipe pakanan at pakaliwa upang magpalipat-lipat sa mga display
- i-tap upang piliin ang isang item
Itaas na button
- mula sa watch face, pindutin upang buksan ang mga sport mode na pinakakamakailang ginamit
- mula sa watch face, pindutin nang matagal upang tukuyin at buksan ang mga shortcut
Gitnang button
- pindutin upang piliin ang isang item
- sa watch face, pindutin upang buksan ang naka-pin na widget
- sa watch face, pindutin nang matagal upang buksan ang menu ng mga setting
- panatilihin ang pagpindot para bumalik sa menu ng mga setting
Ibabang button
- pindutin para pumunta pababa sa mga view at menu
- mula sa watch face, pindutin upang buksan ang listahan ng mga widget
- sa watch face, pindutin nang matagal upang pumasok sa control panel
Habang nagrerekord ng ehersisyo:
Itaas na button
- pindutin upang i-pause ang aktibidad (upang ma-access ang mga opsyon ng ehersisyo)
- pindutin nang matagal upang baguhin ang aktibidad
Gitnang button
- pindutin upang palitan ang mga display
- pindutin nang matagal upang buksan ang menu ng mga opsyon ng ehersisyo
Ibabang button
- pindutin upang markahan ang isang lap
- pindutin nang matagal upang i-lock at i-unlock ang mga button
Habang nasa freediving at scuba diving:
Itaas na button
- pindutin para buksan ang menu ng mga opsyon (freediving)
- pindutin upang i-access ang listahan ng mga available na gas (Multigas mode lamang)
- pindutin nang matagal upang baguhin ang liwanag
Gitnang button
- pindutin para palitan ang mga display (freediving)
- pindutin para palitan ang arch (scuba diving)
Ibabang button
- pindutin para palitan ang switch window item
- pindutin nang matagal upang i-lock at i-unlock ang mga button
PAALALA:
Hindi aktibo ang touch scren kapag nasa tubig ito. Ibig sabihin, sa ilalim ng tubig, kailangan mong gamitin ang mga button para mag-navigate sa mga display.