Ginagamit mo ang depth meter profile kapag nagso-snorkel. Ipakikita nito ang iyong kasalukuyang lalim at ang pinakamalalim na naabot mo sa panahon ng pagsisid nang naka-snorkel. Ang maximum na lalim ng device ay 32.8 ft (10m). Kapag naka-activate ang depth meter profile, lumilitaw ang wave na icon sa gawing itaas na kaliwang bahagi ng display.
Kapag na-activate ang depth meter profile, maa-access mo ang mga sumusunod na view gamit ang :
Halos pareho ang paggana ng pangrekord ng log sa depth meter profile sa pangrekord ng log sa altimeter profile, ngunit sa halip na irekord nito ang altitude, inirerekord nito ang lalim ng iyong mga snorkeling dive.
Para irekord ang mga log sa depth meter profile:
Huwag pipindot habang nasa ilalim ng tubig ang device.
Kailangan mong i-reset ang iyong pangrekord ng log sa altimeter profile bago gamitin ang pangrekord ng log sa depth meter profile. Kung hindi, mananatiling pareho ang iyong maximum na lalim at ang iyong kasalukuyang altitude sa ibabaw.
Kapag naitigil mo na ang iyong pangrekord ng log, bago i-reset ito, maaari kang pumasok sa logbook at tingnan ang iyong kasalukuyang mga narekord!