Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Ambit2 Gabay sa User - 2.1

Pagtutugma ng profile sa aktibidad

Dapat piliin ang profile na Altimeter (Altimeter) kapag nasasangkot ng mga pagbabago sa altitude ang iyong panlabas na aktibidad (hal. pag-akyat sa maburol na landas).

Ang profile na Barometer (Barometer) ay dapat piliin kung hindi nagsasangkot ng pagbabago sa altitude ang iyong panlabas na aktibidad (hal. soccer, sailing, canoeing).

Para makuha ang mga tamang reading, kailangang mong itugma ang profile sa iyong aktibidad. Maaari mong hayaan ang Suunto Ambit2 na magpasiya sa naaangkop na profile para sa aktibidad, o ikaw mismo ang pumili ng profile.

PAALALA:

Maitatakda mo ang profile bilang bahagi ng mga setting ng sport mode sa Movescount, o sa iyong Suunto Ambit2.

Pag-set ng mga profile

Para i-set ang Alti & Baro na profile:

  1. Pindutin nang matagal ang Next upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
  2. Mag-scroll sa Alti-baro (Alti-baro) gamit ang Light Lock at pumasok gamit ang Next.
  3. Pindutin ang Next upang piliin ang Profile (Profile).
  4. I-scroll ang mga opsyon sa profile na (Automatic (Awtomatiko), Altimeter (Altimeter), Barometer (Barometer)) gamit ang Start Stop o Light Lock. Pumili ng profile gamit ang Next.

setting profiles

Pag-set ng mga reperensyang value

Upang i-set ang reperensyang value ng pressure sa sea level at altitude:

  1. Pindutin nang matagal ang Next upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
  2. Mag-scroll sa Alti-baro (Alti-baro) gamit ang Light Lock at pumasok gamit ang Next.
  3. Mag-scroll sa Reference (Reperensya) gamit ang Light Lock at pumasok gamit ang Next. Magagamit ang mga sumusunod na opsyon sa setting:
  4. FusedAlti: Naka-on ang GPS at magsisimulang magkalkula ang aparato ng altitude batay sa FusedAlti. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang FusedAlti.
  5. Manual altitude (Mano-manong altitude): Mano-manong itakda ang iyong altitude.
  6. Sea level pressure (Pressure sa sea level): Mano-manong itakda ang sangguniang bilang ng sea level pressure.
  7. Itakda ang sangguniang bilang gamit ang Start Stop at Light Lock. Tanggapin ang setting gamit ang Next.

setting reference values Ambit2

TIP:

Pwede mong ma-access ang setting ng Reference (Reperensya) sa pamamagitan ng pagpapanatiling nakapindot sa View kapag nasa Alti & baro mode.

Maitatakda mo rin ang iyong altitude sa panahon ng iyong ehersisyo, tingnan ang Pagtakda ng altitude habang nag-eehersisyo.

Table of Content