Kung naka-on ang profile ng iyong Altimeter (Altimeter) sa pinahabang tagal ng panahon na ang aparato ay nasa naka-fix na lokasyon habang nagbabago ang lokal na lagay ng panahon, magbibigay ang aparato ng mga hindi tamang reading ng altitude.
Kung naka-on ang profile ng iyong Altimeter (Altimeter) at madalas magbago ang lagay ng panahon habang paakyat ka sa altitude o pababa sa altitude, bibigyan ka ng aparato ng mga hindi tamang reading.
Kung naka-on ang profile ng Barometer (Barometer) sa pinahabang tagal ng panahon habang umaakyat ka sa altitude o bumababa sa altitude, ipinapalagay ng aparato na hindi ka gumagalaw at pinapakahulugan ang iyong mga pagbabago sa altitude bilang mga pagbabago sa air pressure sa sea level. Kung gayon, bibigyan ka nito ng hindi tamang mga reading ng air pressure sa sea level.
Nasa pangalawang araw ka ng iyong dalawang araw na hike. Natuklasan mong nakalimutan mong baguhin ang Barometer (Barometer) na profile tungo sa Altimeter (Altimeter) profile nang magsimula kang gumalaw noong umaga. Alam mo nang ang kasalukuyang mga reading ng altitude ng iyong Suunto Ambit2 ay mali. Kaya, nag-hike ka sa pinakamalapit na lokasyong ipinapakita sa iyong topographic map kung saan ibinibigay ang reperensyang value ng altitude. Itatama mo ang reperensyang value ng altitude ng iyong Suunto Ambit2 nang naaayon at lilipat mula Barometer (Barometer) tungo sa Altimeter (Altimeter) na profile. Tamang muli ang mga reading ng iyong altitude.