Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Ambit2 Gabay sa User - 2.1

Paggamit sa Automatic (Awtomatiko) na profile

Ang Automatic (Awtomatiko) na profile ay nakikipagpalitan sa Altimeter (Altimeter) at Barometer (Barometer) na mga profile ayon sa mga galaw mo. Kapag ang Automatic (Awtomatiko) na profile ay aktibo, ang device ay awtomatikong lilipat sa pagitan ng pagpapakahulugan sa mga pagbabago ng air pressure bilang mga pagbababago sa altitude o pagbabago sa lagay ng panahon.

automatic

Hindi posibleng sukatin ang pagbabago sa lagay ng panahon at altitude nang sabay, dahil kapwang nagdudulot ng pagbabago ang mga ito sa air pressure. Suunto Ambit2 ay nakakaramdam ng paakyat na kilos at lumilipat ito sa pagsukat ng altitude, kung kinakailangan. Kapag ipinapakita ang altitude, ina-updated ito nang may maximum delay na 10 segundo.

Kung hindi nagbabago ang iyong altitude (wala pang 5 metro ng pataas/pababa na kilos sa loob ng 12 minuto), nababasa ng Suunto Ambit2 ang lahat ng pagbabago sa pressure habang nagbabago ang lagay ng panahon. Ang pagitan ng mga pagsukat ay 10 segundo. Ang reading ng altitude ay nananatiling di-nagbabago at kung magbabago ang lagay ng panahon, makikita mo ang mga pagbabago sa reading ng air pressure sa sea level.

Kung nagbabago ang iyong altitude (mahigit sa 5 metro ng pataas/pababa na kilos sa loob ng 3 minuto), nababasa ng Suunto Ambit2 ang lahat ng pagbabago sa pressure bilang pagbabago sa altitude.

Depende sa kung anong profile ang gumagana, maa-access mo ang view ng profile na Altimeter (Altimeter) o Barometer (Barometer) na profile view gamit ang View.

PAALALA:

Kapag ginagamit mo ang Automatic (Awtomatiko) na profile, ang mga icon ng barometer o altimeter ay hindi ipapakita sa display.

Table of Content