Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Ambit2 Gabay sa User - 2.1

Paggamit sa mga button (pindutan)

Suunto Ambit2 ay may limang button na nagbibigay sa iyo ng kakayahang mapasok ang lahat ng feature.

buttons Ambit2

Start Stop:

  • i-access ang start menu
  • mag-pause o magpatuloy ng ehersisyo o timer
  • pindutin nang matagal para ihinto at i-save ang isang ehersisyo
  • magdagdag ng numero o pumunta pataas sa mga setting

Next:

  • magpalipat-lipat sa mga display
  • pindutin nang matagal para pumasok/lumabas sa menu ng mga opsyon
  • pindutin nang matagal para pumasok/lumabas sa menu ng mga opsyon sa mga sport mode
  • i-accept ang isang setting

Light Lock:

  • i-activate ang backlight
  • pindutin nang matagal para i-lock/i-unlock ang mga button
  • magbawas ng numero o bumaba sa mga setting

View:

  • mag-iba ng mga view sa time na mode at habang nag-eehersisyo.
  • pindutin nang matagal para magpalipat-lipat ng display mula maliwanag at madilim
  • pindutin nang matagal para ma-access ang mga sensitibo sa konteksto na shortcut (tingnan sa ibaba)

Back Lap:

  • bumalik sa naunang hakbang
  • magdagdag ng lap habang nag-eehersisyo
TIP:

Kapag nagpapalit ng mga numero, maaari mong dagdagan ang bilis sa pagpindot nang matagal sa Start Stop o Light Lock hanggang sa magsimulang mag-scroll nang mas mabilis ang mga numero.

Pagtukoy sa mga shortcut

Bilang default, kapag pinindot mo nang matagal ang View sa Time na mode, pinapalipat-lipat mo ang display sa maliwanag at madilim. Ang pagpindot na ito sa button ay maaaring baguhin sa halip na mag-access pa ng espesipikong opsyon ng menu.

Para tumukoy ng shortcut:

  1. Pindutin nang matagal ang Next upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
  2. Mag-browse sa item sa menu na gusto mong gawan ng shortcut.
  3. Pindutin nang matagal ang View para magawa ang shortcut.
PAALALA:

Hindi magagawa ang mga shortcut sa lahat ng posibleng item sa menu, gaya ng mga indibidwal na log.

Sa ibang mode, ang pagpindot nang matagal sa View ay mag-a-access sa mga una nang natukoy na shortcut. Halimbawa, kapag aktibo ang shortcut, maaari mong ma-access ang mga setting ng compass sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa View.

Table of Content