Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Ambit2 Gabay sa User - 2.1

Pagcha-charge ng baterya

Ang itatagal ng baterya sa isang pag-charge ay nakabatay sa kung paano ginagamit ang Suunto Ambit2. Ang mabababang temperatura, halimbawa, ay nakakabawas sa itatagal ng isang pag-charge. Sa pangkalahatan, ang kakayahan ng mga rechargeable battery ay bumababa habang tumatagal.

PAALALA:

Kung sakaling may di-pangkaraniwang pagbaba sa husay ng baterya, sinasagot ng warranty ng Suunto ang pagpalit sa baterya para sa 1 taon o para sa maximum ng 300 na pag-charge, alinman ang mauna.

Ang icon ng bateya ay nagsasaad sa lebel ng karga ng baterya. Kung ang lebel ng karga ng baterya ay wala nang 10%, ang icon ng baterya ay magpapatay-sindi nang 30 segundo. Kung ang lebel ng karga ng baterya ay wala nang 2%, ang icon ng baterya ay magpapatay-sindi nang tuloy-tuloy.

charge level indicator Ambit2

I-charge ang baterya sa pamamagitan ng pagkakabit nito sa iyong computer gamit ang kasamang Suunto USB cable, o i-charge gamit ang USB-compatible na Suunto wall charger. Aabutin nang humigit-kumulang 2-3 oras para ganap na mai-charge ang bateryang walang karga.

TIP:

Magpunta sa Movescount para baguhin ang GPS fix at dalas ng pag-record ng isang sport mode para makatipid sa baterya. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Katumpakan ng GPS at pagtitipid ng baterya.

Table of Content