Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Ambit2 Gabay sa User - 2.1

Paggamit sa GPS

Suunto Ambit2 ay gumagamit ng Global Positioning System (GPS) sa pagtukoy ng kasalukuyan mong posisyon. Ginagamit ng GPS ang mga satellite na umiikot sa Lupa na may altitude na 20,000 km sa bilis na 4 km/s.

Ang kasamang GPS receiver sa Suunto Ambit2 ay pinahusay para gamitin sa pulsuhan at tumatanggap ito ng data mula sa napakalawak na anggulo.

Pagkuha ng GPS signal

Suunto Ambit2 awtomatikong ina-activate ang GPS kapag pipili ka ng sport mode gamit ang GPS functionality, aalamin ang iyong lokasyon, magsisimulang mag-navigate.

GPS signal strength Ambit2

PAALALA:

Kapag ina-activate mo ang GPS sa unang pagkakataon, o hindi ito ginamit nang matagal na panahon, maaaring mas matagalan ito kaysa dati upang makakuha ng GPS fix. Ang mga susunod na pagpapaandar sa GPS ay mas bibilis na.

TIP:

Para mapaikli ang kinakaing oras sa pagsisimula ng GPS, hawakan nang nakapirme ang relo nang nakaharap habang nakatihaya ang GPS at tiyakin na ikaw ay nasa bukas na lugar para may 
malinaw na bista ang relo sa kalangitan.

Pagta-troubleshoot: Walang GPS signal

  • Para sa pinakamalakas na signal, ituro ang bahaging GPS ng relo nang paitaas. Ang pinakamagandang signal ay nakukuha sa malawak na lugar na may malinaw na bista ng kalangitan.
  • Ang GPS receiver ay karaniwang gumagana nang mabuti sa loob ng mga tent at iba pang maninipis na tabing. Subalit, ang mga bagay-bagay, gusali, masukal na kagubatan o maulap na lagay ng panahon ay nakababawas sa kalidad ng pagtanggap ng GPS signal.
  • Ang GPS signal ay hindi tumatagos sa matitigas na istraktura o sa tubig. Kaya, huwag susubukang paganahin ang GPS sa loob ng mga gusali, kuweba o sa ilalim ng tubig.

Mga GPS grid at format ng posisyon

Ang mga grid ay mga guhit sa isang mapa na tumutukoy sa coordinate system na ginamit sa mapa.

Ang format ng posisyon ay ang paraan kung paano ipinapakita ang posisyon ng GPS receiver sa relo. Lahat ng format ay tumutukoy sa iisang lokasyon, magkakaiba lang ang paraan ng pagpapakita nito. Mapapalitan mo ang oryentasyon ng mapa sa mga setting ng relo sa ilalaim ng General (Pangkalahatan) / Format (Format) / Position format (Format ng posisyon).

Mapipili mo ang format mula sa mga sumusunod na grid:

  • ang latitude/longitude ay ang pinakakaraniwang ginagamit na grid at mayroon itong tatlong magkakaibang format:
    • WGS84 Hd.d°
    • WGS84 Hd°m.m'
    • WGS84 Hd°m's.s
  • Ang UTM (Universal Transverse Mercator) ay nagbibigay ng presentasyong two-dimensional ng pahalang (horizontal) na posisyon.
  • Ang MGRS (Military Grid Reference System) ay karugtong ng UTM at nagtataglay ng isang grid zone designator, 100,000-meter square na identifier at isang numerical location.

Suunto Ambit2 ay sumusuporta din sa mga sumusunod na lokal na grid:

  • British (BNG)
  • Finnish (ETRS-TM35FIN)
  • Finnish (KKJ)
  • Irish (IG)
  • Swedish (RT90)
  • Swiss (CH1903)
  • UTM NAD27 Alaska
  • UTM NAD27 Conus
  • UTM NAD83
  • New Zealand (NZTM2000)
PAALALA:

Ang ilang grid ay hindi magagamit sa mga lugar sa hilaga ng 84°N at timog ng 80°S, o sa labas ng mga bansang pinagtatakdaan ng mga ito.

Katumpakan ng GPS at pagtitipid ng baterya

Kapag kino-customize sa pangangailangan ang mga sport mode, maaari mong tukuyin ang interval ng GPS fix gamit ang setting ng katumpakan ng GPS sa Movescount. Kung mas maigsi ang interval, mas mabuti ang katumpakan kapag nag-eehersisyo.

Sa pagpapataas ng interval at pagpapababa ng katumpakan, maaari mong pahabain ang buhay ng baterya.

Ang mga opsyon sa katumpakan ng GPS ay:

  • Pinakamabuti: ~ 1 seg na fix interval, pinakamataas sa pagkonsumo ng baterya
  • Mabuti: ~ 5 seg na fix interval, katamtaman sa pagkonsumo ng baterya
  • OK: ~ 60 seg na fix interval, pinakamababa sa pagkonsumo ng baterya
  • Off: walang GPS fix

Table of Content