Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 9 Gabay sa User

Pag-track sa pagtulog

Mahalaga ang magandang tulog sa gabi sa isang malusog na isip at katawan. Maaari mong gamitin ang iyong relo upang i-track ang iyong pagtulog at subaybayan kung ilang oras ng tulog ang nakukuha mo sa average.

Kapag isinuot mo ang iyong relo sa higaan, ita-track ng Suunto 9 ang iyong pagtulog batay sa accelerometer data.

Para i-track ang pagtulog:

  1. Pumunta sa mga setting ng iyong relo, mag-scroll papunta sa Sleep at pindutin ang middle button.
  2. Mag-toogle sa Sleep tracking

    sleeptracking setting UltraSport

  3. Itakda ang mga oras ng pagtulog at paggising ayon sa normal na iskedyul ng iyong pagtulog.

Pagkatapos mong maitakda ang oras ng pagtulog mo, puwede mong piliing ilagay ang iyong relo sa Do Not Disturb mode sa oras ng pagtulog mo.

Hakbang 3 sa itaas, inaalam nito ang oras ng pagtulog mo. Ginagamit ng relo mo ang panahong iyon para alamin kung anong oras ka natutulog (sa oras ng iyong pagtulog) at inuulat ang lahat ng pagtulog bilang iisang session. Kung babangon ka para uminon ng tubig sa gabi, halimbawa, iniuulat pa rin ng relo ang anumang pagtulog pagkatapos niyon bilang iisang session.

PAALALA:

Kung matutulog ka bago ang oras ng iyong pagtulog at gigising din pagkatapos ng oras ng iyong pagtulog, hindi bibilangin iyon ng iyong relo bilang isang session ng pagtulog. Dapat na itakda mo ang oras ng iyong pagtulog ayon sa posibleng pinakamaagang oras ng pagtulog mo at ang pinaka-late na oras ng iyong paggising.

Kapag na-enable mo na ang pag-track sa pagtulog, maaari mo ring itakda ang iyong target sa pagtulog. Kailangan ng isang karaniwang adult ng 7 hanggang 9 na oras ng tulog sa isang araw, bagaman maaaring iba ang ideyal na tagal ng tulog kaysa sa karaniwan.

Mga trend ng pagtulog

Pagkagising mo, buod ng iyong tulog ang bubungad sa iyo. Kasama sa buod, halimbawa, ang kabuuang tagal ng iyong tulog, pati na rin ang tinantyang oras na gising ka (gumagalaw-galaw) at ang oras na nasa malalim kang pagtulog (walang paggalaw).

Karagdagan pa sa buod ng pagtulog, maaari mong subaybayan ang pangkalahatan mong trend sa pagtulog sa pamamagitan ng insight sa pagtulog. Mula sa watch face, pindutin ang kanang button sa ibaba hanggang sa makita mo ang display ng Sleep. Ipinakikita ng mga unang view ang huli mong pagtulog kumpara sa iyong target sa pagtulog.

SleepInsight LastNight

Habang nasa display ng pagtulog, maaari kang mag-swipe pakaliwa para makita ang iyong average na pagtulog sa nakaraang pitong araw. Mag-swipe pataas para makita mo ang aktwal na mga oras ng iyong pagtulog sa nakaraang pitong araw.

Habang nasa display ng average ng pagtulog, maaari kang mag-swipe pakaliwa para makakita ng graph sa itaas ng average ng iyong mga HR value sa nakaraang pitong araw.

SleepInsight Avg 7days

Mag-swipe pataas para makita ang aktwal na mga HR value sa nakaraang pitong araw.

PAALALA:

Mula sa display ng Sleep, maaari mong pindutin nang matagal ang gitnang button para i-access ang mga setting ng pag-track sa pagtulog.

PAALALA:

Batay lang sa paggalaw ang lahat ng mga pagsukat sa pagtulog, kaya mga pagtatantya ang mga ito na maaaring hindi kumakatawan sa aktwal mong mga kasanayan sa patulog.

Kalidad ng pagtulog

Bukod sa tagal, maaari ding i-assess ng iyong relo ang kalidad ng pagtulog sa pamamagitan ng pagsubaybay sa pag-iiba-iba ng heart rate habang natutulog. Ang pag-iiba-iba ay palatandaan ng kung gaano ka natutulungan ng iyong pagtulog na makapagpahinga at makapag-recover. Ipinapakita ang kalidad ng pagtulog sa scale na 0 hanggang 100 sa buod ng tulog, kung saan 100 ang pinakamagandang kalidad.

Pagsukat sa heart rate habang natutulog

Kapag isinuot mo ang relo sa gabi, maaari kang makakuha ng karagdagang feedback sa iyong heart rate habang natutulog. Para mapanatiling naka-on ang optical heart rate sa gabi, siguruhing naka-enable ang Pang-araw-araw na HR (tingnan ang Pang-araw-araw na HR.

Awtomatikong Do Not Disturb mode

Maaari mong gamitin ang awtomatikong setting ng Do Not Disturb para awtomatikong i-enable ang Do Not Disturb mode habang natutulog ka.

Table of Content