Suuntoでは、当社のウェブサイトが「Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0」の適合レベルAAに準拠することを目標とし、WCAG 2.0と国際協調したその他の標準規格に準拠することで、アクセシビリティの確保と向上に取り組んでいます。当ウェブサイト上の情報へのアクセスに問題がある場合など、アクセシビリティに関するお問い合わせは、カスタマーサービスまでご連絡ください。カスタマーサービス電話番号:米国 +1 855 258 0900(フリーダイヤル)

Suunto 9 Gabay sa User

Mga pangkontrol ng media

Puwedeng gamitin ang iyong Suunto 9 para kontrolin ang musika, podcast, iba pang media na pini-play sa iyong telepono o kina-cast sa isa pang device mula sa iyong telepono. Naka-on ang mga pangkontrol ng media bilang default pero puwedeng i-off sa ilalim ng Settings » Media controls.

PAALALA:

Kailangan mong ipares sa iyong telepono ang iyong relo bago mo magamit ang Media controls.

Para ma-access ang mga pangkontrol ng media, pindutin ang gitnang button mula sa watch face o, habang nag-eehersisyo, pindutin ang gitnang button hanggang sa makita ang display ng pangkontrol ng media.

Sa display ng pangkontrol ng media, ang mga button ay may mga ganitong function:

MediaControls

  • I-play/I-pause Kanang button sa itaas
  • Susunod na track/episode: Kanang button sa ibaba
  • Nakaraang track/episode: Kanang button sa itaas (matagal na pagpindot)
  • Volume:Kanang button sa ibaba (matagal na pagpindot), bubuksan nito ang mga pangkontrol ng volume
    • Sa display ng mga pangkontrol ng volume, ang kanang button sa itaas ang pampalakas ng volume at ang kanang button sa ibaba ang pampahina. Pindutin ang gitnang button para bumalik sa display ng pangkontrol ng media.

Pindutin ang gitnang button para lumabas sa display ng pangkontrol ng media.

PAALALA:

Kung may touch screen ang iyong relo, magagamit din ang mga pangkontrol ng media sa pamamagitan ng pag-tap sa mga icon sa screen.

目次