I-set up
Ang iyong Suunto Ambit3 Peak ay awtomatikong gigising kapag ikinabit mo ito sa iyong computer gamit ang kasamang USB cable.
Upang tingnan ang notipikasyon sa iyong relong pang-sports:
- Ikonekta ang iyong relong pang-sports sa isang power source gamit ang kasamang USB cable.
- Alisin ang USB cable kung gumagamit ka ng computer (upang i-unlock ang mga button).
- Pindutin ang Start Stop o Light Lock upang mag-scroll sa gustong wika at pindutin ang Next para pumili.
- I-pair sa Suunto Movescount App (tingnan ang Suunto app) sa pamamagitan ng pagpindot sa Start Stop o laktawan sa pamamagitan ng pagpindot sa Next.
- Sundin ang startup wizard upang kumpletuhin ang mga paunang setting. I-set ang mga value gamit ang Start Stop o Light Lock at pindutin ang Next upang i-accept at magtungo sa susunod na step.
- Muling ikonekta ang USB cable at i-charge hanggang sa nasa 100% na ang indicator ng baterya.
Inaabot ang ganap na pag-cha-charge sa bateryang walang karga ng 2-3 oras. Naka-lock ang mga button habang nakakabit ang USB cable at habang ito ay nakakonekta sa computer.
Makakalabas ka sa pagtuturo ng mga istilo ng paglalangoy anumang oras sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa Next.
Dinadala ka ng startup wizard sa mga sumusunod na setting:
- Mga unit
- Oras
- Petsa
- Mga personal na setting (kasarian, edad, timbang)