Upang i-access ang menu ng serbisyo, pindutin nang matagal ang
at nang sabay hanggang sa makapasok ang relo sa menu ng serbisyo.Kasama sa menu ng serbisyo ang mga sumusunod na bagay:
Power off Ang (Power off) ay kalagayan na gumagamit ng kaunting power. Ikonekta ang USB cable (kasama ng power source) para gisingin ang relo. Magsisimula ang wizard para sa paunang pagse-setup. Nananatiling pareho ang lahat ng mga setting puwera ang oras at petsa. Kompirmahin lamang ang mga ito sa pamamagitan ng startup wizard.
Ang relo ay lumilipat sa power saving mode kapag hindi ito gumagana ng 10 minuto. Ang relo ay mare-reactivate kapag ginalaw.
Ang nilalaman ng menu ng serbisyo ay napapasailalim sa pagbabago nang walang abiso habang nagsasagawa ng pag-update.
Sakaling hindi gumagana nang maayos ang GPS, maaari mong i-reset ang GPS data sa menu ng serbisyo.
Upang i-reset ang GPS:
Mare-reset ang GPS data, mga value ng pagka-calibrate ng compass at oras ng pag-recover kapag ni-reset ang GPS. Hindi inaalis ang mga naka-save na log.