Ang antas ng pagganap sa pagktakbo ay pinagsamang sukat ng physical fitness at ang bilis ng iyong pagtakbo na pinagagana ng Firstbeat.
Ang antas ng pagganap sa pagtakbo ay gumagamit ng pagtatantiya ng iyong VO2max, isang pandaigdig na pamantayan para sa aerobic fitness at pagganap sa pangmatagalang aktibidad. Ipinapakita ng V02max ang sagad na kakayan ng iyong katawan upang magdala at gumamit ng oxygen.
Naaapektuhan ang V02max ng kalagayan ng iyong puso, baga, sistema sa paghinga, at ang kakayahan ng iyong mga muscle na gumamit ng oxygen sa paggawa ng enerhiya. Ang VO2max ay ang natatanging pinakamahalagang saligan ng pagganap sa pangmatagalang aktibdiad ng isang atleta.
Dagdag pa rito, ipinapakita ng pagsasaliksik na ang VO2 max ay isa ring mahalagang hakbang para sa kalusugan at kapakanan. Sa pinakamatulin na pagtakbo, ang antas ng iyong pagganap sa pagtakbo ay umaangkop sa iyong totoong V02max (ml/kg/min).
Isinasaalang-alang din ng antas ng pagganap sa pagtakbo ang liksi sa pagtakbo, isang sukat ng iyong pamamaraan sa pagtakbo. Isinasaalang-alang din ng sukat na ito ang mga panlabas na salik gaya ng lupang dinadaanan, ibaba o surface ng tinatakbuhan, panahon at mga kasuotan sa pagtakbo.
Ang iyong Suunto Ambit3 Peak ay magbibigay ng real-time na feedback sa iyong pagganap sa pagtakbo habang ikaw ay tumatakbo.
Ang real-time na feedback ay makikita bilang isang graph display sa default na Running sport mode. Maaari mong idagdag ang graph na ito sa anumang sport mode na gumagamit ng uri ng aktibidad sa pagtakbo. Ang pagkakaiba sa real-time (tingnan sa ibaba) ay maaari ring gamitin bilang data field sa iyong custom na mga sport mode sa pagtakbo.
Habang ikaw ay tumatakbo, pinapakita ng graph displa ang apat na punto ng iyong data, gaya ng inilalarawan sa ibaba.
Kung bago ka sa pagtakbo o hindi nakalabas nang medyo matagal, maaari mabagal ang iyong mga unang pagganap sa pagtakbo. Ngunit habang humuhusay ang iyong physical fitness at pamamaraan sa pagtakbo, makakakita ka rin ng pagtaasa pagganap sa pagtakbo.
Sa loob ng 4-20 linggo, maaari kang makakita ng pagtaas sa pagganap sa pagtakbo ng hanggang 20%. Kung maganda na ang antas ng iyong pagganap sa pagtakbo, mahirap nang mas humusay pa. Sa sitwasyong ito, ang antas ng pagganap sa pagtakbo ay mas magandang gamitin bilang senyales ng kakayahang magtagal.
Ang pagsunod sa real-time na pantukoy sa real-time na pagkakaiba ay nagbibigay ng detalyado, granular na impormasyon ukol sa pang-araw-araw na pagganap at kapaguran sa panahon ng pagtakbo. Maaari itong gamitin ng mga tumatakbo nang matagal upang malaman kung anong pagod ang maaaring mapangasiwaan sa panahon ng mahahaba at matitinding takbo. Sa panahon ng mga karera, matutulungan ka ng impormasyong ito na tumakbo sa wastong bilis.
Inilalarawan sa itaas ang tatlong halimbawa ng mga antas ng pagganap sa pagtakbo habang tumatakbo. Sa unang graph (1), maayos ang pagganap. Sa pangalawa (2), hindi maganda ang pagganap at maaaring senyales ng labis na pagsasanay, karamdaman, o masasamang kondisyon. Sa ikatlong graph (3), nakikita mo ang karaniwang malayuang takbo kung saan pantay ang antas ng pagtakbo sa huling bahagi ng takbuhan, na nagpapakita ng pagsisimula ng kapaguran.