Suunto si impegna per assicurare che questo sito web raggiunga il livello AA di conformità alle Web Content Accessibility Guideline (WCAG) 2.0 e la conformità ad altri standard di accessibilità. Se riscontri problemi con l'accesso alle informazioni di questo sito web, ti preghiamo di contattare il Servizio Clienti al numero verde +1 855 258 0900 (Stati Uniti).

Suunto Ambit2 Gabay sa User - 2.1

Paggamit sa Foot POD

Kapag gumagamit ng foot POD, awtomatikong naka-calibrate ang POD sa pamamagitan ng GPS sa maiikling agwat habang nag-eehersisyo. Ngunit, palaging mananatiling pagmumulan ng bilis at distansya ang foot POD kapag ito ay na-pair at aktibo para sa nasabing sport mode.

Default lang ang awtomatikong pagka-calibrate ng foot POD. Maaari itong patayin sa menu ng mga opsyon ng sport mode sa ilalim ng Activate (I-activate), kung naka-pair ang Foot POD at kung ito ay ginagamit para sa napiling sport mode.

PAALALA:

Ang Foot POD ay tumutukoy sa parehong Suunto Foot POD Mini at anumang iba pang ANT+ foot POD.

Para sa mas tumpak na sukat ng bilis at distansya, maaari mong mano-manong i-calibrate ang foot POD. Isagawa ang pag-calibrate sa isang distansyang may tumpak na sukat, halimbawa, sa isang 400 metro na runing track.

Upang i-calibrate ang foot POD sa Suunto Ambit2:

  1. Ikabit ang foot POD sa iyong sapatos. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang user guide para sa foot POD na ginagamit mo.
  2. Pumili ng sport mode (halimbawa Running (Pagtakbo)) sa start menu.
  3. Simulang tumakbo sa iyong karaniwang bilis. Kapag nakalampas ka na sa starting line, pindutin ang Start Stop upang simulan ang pagre-record.
  4. Tumakbo sa distansyang 800–1000 metro (mga 0.500–0.700 milya) sa iyong karaniwang bilis (halimbawa, dalawang lap sa isang 400 metrong track).
  5. Pindutin ang Start Stop kapag narating mo na ang finish line upang pansamantalang ihinto ang pagtatala.
  6. Pindutin ang Back Lap para ihinto ang pagre-record. Pagkatapos na ihinto ang ehersisyo, i-save ang log sa pamamagitan ng pagpindot sa Start Stop. Kung ayaw mong i-save ang log, pindutin ang Light Lock. Mag-scroll gamit ang Next sa mga buod na view, hanggang sa makaabot ka sa buod ng distansya. Itama ang distansyang ipinapakita sa display sa aktwal na distansya na tinakbo mo gamit ang Start Stop at Light Lock. Kumpirmahin gamit ang Next.
  7. Kumpirmahin ang pagka-calibrate sa POD sa pamamagitan ng pagpindot sa Start Stop. Na-calibrate na ang iyong foot POD.
PAALALA:

Kung ang koneksyon ng Foot POD ay hindi stable sa panahon ng ehersisyo ng pag-calibrate, maaaring hindi mo maia-adjust ang distansiya sa buod ng distansiya. Siguruhin na maayos na nakakabit ang foot POD ayon sa mga tagubilin at subukang muli.

Kung tumatakbo ka nang walang foot POD, maaari mo pa ring makuha ang indayog ng ritmo (cadence) ng pagtakbo mula sa pulso mo. Ang sukat ng indayog ng ritmo ng pagtakbo mula sa pulso ay ginagamit kasama ng FusedSpeed at palaging naka-on para sa mga espesipikong sport mode kasama ang running, trail running, treadmill, orienteering at track and field.

Kung may makikitang foot POD sa pagsisimula ng isang ehersisyo, ang indayog ng ritmo ng pagtakbo na nasukat mula sa pulso ay matatabunan ng indayog ng ritmo ng foot POD.

Indice