Nabigasyon sa ruta
Pagdaragdag ng ruta
Makakagawa ka ng ruta sa Movescount, o makakapag-import ng rutang ginawa gamit ang ibang relo mula sa iyong computer patungong Movescount. Makakapag-record ka rin ng ruta gamit ang iyong Suunto Ambit2 at maa-upload ito sa Movescount, tingnan ang Pagre-record sa mga dinaanan.
Para magdagdag ng ruta:
- Pumunta sa www.movescount.com Sundin ang mga tagubilin kung paano mag-import o gumawa ng isang ruta.
- I-activate ang Suuntolink at ikonekta ang iyong Suunto Ambit2 sa iyong computer gamit ang Suunto USB cable. Ang ruta ay awtomatikong ililipat sa relo.
PAALALA:
Siguruhin na ang rutang gusto mong ilipat sa iyong Suunto Ambit2 ay napili sa Movescount.
Pagna-navigate sa isang ruta
Makakapag-navigate ka ng ruta na nai-download mo sa iyong Suunto Ambit2 mula sa Movescount, tingnan ang Pagdaragdag ng ruta.
Para mag-navigate sa isang ruta:
- Pindutin ang Start Stop upang makapasok sa start menu.
- Mag-scroll sa Navigation (Nabigasyon) gamit ang Start Stop at pumasok gamit ang Next.
- Mag-scroll sa Routes (Mga Ruta) gamit ang Start Stop at pumasok gamit ang Next.
Ipapakita ng relo ang bilang ng mga nai-save na ruta at pagkatapos noon ay ang listahan ng lahat ng iyong ruta.
- Mag-scroll papunta sa ruta na gusto mong i-navigate gamit ang Start Stop o Light Lock. Piliin gamit ang Next.
- Ipapakita ng relo ang lahat ng waypoint sa napiling ruta. Mag-scroll papunta sa waypoint na gusto mong gamitin bilang simulang punto gamit ang Start Stop o Light Lock. I-accept gamit ang Next.
- Pindutin ang Next upang piliin ang Navigate (Mag-navigate).
- Kung pumili ka ng waypoint sa gitna ng ruta, huhudyatan ka ng Suunto Ambit2 na pumili ng direksyon ng nabigasyon. Pindutin ang Start Stop para piliin ang Forwards (Pasulong) o Light Lock para piliin ang Backwards (Paatras).
Kung pinili mo ang unang waypoint bilang simulang punto, ina-navigate ng Suunto Ambit2 ang ruta pasulong (mula sa una patungong huling waypoint). Kung pinili mo ang huling waypoint bilang simulang punto, ina-navigate ng Suunto Ambit2 ang ruta paatras (mula sa huli patungo sa unang waypoint).
- Kung ginagamit mo ang compass sa unang pagkakataon, kailangan mo itong i-calibrate. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Pagka-calibrate sa compass. Pagkatapos i-activate ang compass, magsisimula ang relo na humanap ng GPS signal at ipapakita ang GPS found (Nakahanap ng GPS) makaraang makakuha ng signal.
- Simulan ang pagna-navigate sa unang waypoint sa ruta. Inaabisuhan ka ng relong ito kapag paparating ka na sa waypoint at awtomatikong sinisimulan ang pagna-navigate sa susunod na waypoint sa ruta.
- Bago ang huling waypoint sa ruta aabisuhan ka ng relo na nakarating ka na sa iyong destinasyon.
Para laktawan ang isang waypoint na nasa isang ruta:
- Habang nagna-navigate ka sa isang ruta, pindutin nang matagal ang Next para mapasok ang menu ng mga opsyon.
- Pindutin ang Next para piliin ang Navigation (Nabigasyon).
- Mag-scroll sa Skip waypoint (Laktawan ang waypoint) gamit ang Start Stop at piliin ito gamit ang Next. Lalaktawan ng relo ang waypoint at magsisimulang direktang mag-navigate sa susunod na waypoint na nasa ruta.
Sa panahon ng nabigasyon
Sa panahon ng nabigasyon, pindutin ang View upang mag-scroll sa mga sumusunod na view:
- ang view ng buong track na nagpapakita sa buong ruta
- naka-zoom in na view ng ruta. Bilang default, ang naka-zoom in na view ay nasa bilang na 200 m/0.125 mi scale, o mas malaki kung ikaw ay malayo sa ruta. Mapapalitan mo ang oryentasyon ng mapa sa mga setting ng relo sa ilalaim ng General (Pangkalahatan) / Map (Mapa).
- view ng waypoint navigation
View ng buong track
Ipinapakita sa iyo ng view ng buong track ang sumusunod na impormasyon:
- (1) arrow na tumutukoy sa iyong lokasyon at nakaturo sa direksyon na pinupuntahan mo.
- (2) ang susunod na waypoint sa ruta
- (3) ang una at huling waypoint sa ruta
- (4) Ang pinakamalapit na POI ay ipinapakita bilang icon.
- (5) scale kung saan ipinapakita ang view ng buong track
PAALALA:
Sa view ng buong track ang hilaga ay laging pataas.
View ng waypoint navigation
Ipinapakita sa iyo ng view ng waypoint navigation ang sumusunod na impormasyon:
- (1) arrow na nakaturo sa direksiyon ng iyong susunod na waypoint
- (2) ang layo mo sa susunod na waypoint
- (3) ang susunod na waypoint kung saan ka papunta
Pagbubura ng ruta
Maaari kang magbura at mag-disable ng mga ruta sa Movescount.
Upang makapagbura ng isang ruta:
- Pumunta sa www.movescount.com at sundin ang mga tagubilin kung paano buburahin o idi-disable ang isang ruta.
- I-activate ang Suuntolink at ikonekta ang iyong Suunto Ambit2 sa iyong computer gamit ang Suunto USB cable. Habang naka-synchronize ang mga setting, awtomatikong aalisin ang ruta mula sa relo.