Mga uri ng pag-iingat para sa kaligtasan:
Mga pag-iingat para sa kaligtasan
MAAARING MAGKAROON NG MGA ALLERGY O IRITASYON SA BALAT KAPAG NAKADIKIT ANG PRODUKTO SA BALAT, KAHIT PA SUMUSUNOD ANG AMING MGA PRODUKTO SA MGA PAMANTAYAN NG INDUSTRIYA. SA NATURANG PANGYAYARI, AGARANG ITIGIL ANG PAGGAMIT AT KOMUNSULTA SA ISANG DOKTOR.
PALAGING KUMONSULTA SA IYONG DOKTOR BAGO SIMULAN ANG ISANG PROGRAMA NG PAG-EEHERSISYO. MAAARING MAGDULOT NG NAKAMAMATAY NA PINSALA ANG SOBRANG PAGBUHOS NG LAKAS.
PARA LAMANG SA PAGLILIBANG.
HUWAG GANAP NA AASA SA GPS O SA ITATAGAL NG BATERYA, LAGING GUMAMIT NG MGA MAPA AT IBA PANG KAGAMITANG PANG-BACKUP PARA MATIYAK ANG IYONG KALIGTASAN.
HUWAG MAGPAPAHID NG ANUMANG URI NG SOLVENT SA PRODUKTO, DAHIL MAAARING MAPINSALA NITO ANG PANG-IBABAW NA BAHAGI.
HUWAG MAGPAPAHID SA PRODUKTO NG PANGONTRA SA INSEKTO (INSECT REPELLENT), DAHIL MAAARING MAPINSALA NITO ANG PANG-IBABAW NA BAHAGI.
HUWAG ITATAPON ANG PRODUKTO, KUNDI'Y ITURING ITO BILANG ISANG BASURANG ELEKTRONIKO PARA MAPANGALAGAAN ANG KAPALIGIRAN.
HUWAG IBABANGGA O IBABAGSAK ANG DEVICE, DAHIL MAAARI ITONG MASIRA.