Upang masulit ang iyong Suunto Traverse, inirerekomenda namin na i-download ang Suunto Movescount App at gumawa ng libreng Suunto Movescount account bago i-on ang iyong relo. O kaya naman, maaari mong bisitahin ang movescount.com upang gumawa ng user account.
Upang simulang gamitin ang iyong relo:
Kapag tapos na ang wizard ng pag-setup, i-charge ang relo gamit ang kasamang USB cable hanggang sa mapuno na ang baterya.
Kung may ipinapakitang simbolo ng baterya na patay-sindi, kailangang i-charge ang Suunto Traverse bago magsimula.
Kapag naubos na ang baterya, at icha-charge mong muli ang produkto, pindutin nang matagal ang START upang i-on ang produkto