Sinusukat ng Suunto Traverse ang iyong mga pang-araw-araw na hakbang at tinatantya ang mga nabawas na calorie sa buong araw batay sa iyong mga personal na setting.
Available ang iyong tinantyang pang-araw-araw na bilang ng hakbang bilang default na view sa display ng oras. Pindutin ang
upang gawin itong view ng counter ng hakbang. Ina-update ang bilang ng hakbang tuwing 60 segundo.Ipinapakita ang bilang ng pang-araw-araw na hakbang at mga nabawas na calorie sa ilalim ng DISPLAYS (MGA DISPLAY) » Steps (Mga Hakbang). Nire-reset ang mga value araw-araw sa hatinggabi.
Ang pagsubaybay sa aktibidad ay batay sa iyong paggalaw gaya ng sinusukat ng mga sensor sa relo. Ang mga value na ibinibigay ng pagsubaybay sa aktibidad ay mga pagtatantya at hindi para sa anumang uri ng medikal na diagnostics.
Suunto Traverse nagbibigay ng kumpletong history ng bilang ng iyong hakbang. Ipinapakita sa display ng hakbang ang iyong mga pang-araw-araw na hakbang, pati na ang pangkalahatang-ideya ng mga lingguhan, buwanan at taunang trend. Maaari mong ipakita/itago ang display ng hakbang mula sa start menu sa ilalim ng DISPLAYS (MGA DISPLAY) » Steps (Mga Hakbang). Kapag naka-activate, maaari mong tingnan ang iyong history ng hakbang sa pamamagitan ng pagpindot sa upang mag-scroll sa mga aktibong display.
Habang nasa display ng mga hakbang, maaari mong pindutin ang
upang makita ang iyong mga 7 araw, 30 araw at taunang trend.