Suunto s'engage à amener ce site Web au niveau AA de conformité aux directives d'accessibilité du contenu Web (Web Content Accessibility Guidelines, WCAG) 2.0 ainsi qu'à assurer sa conformité aux autres normes d'accessibilité. Adressez-vous au Service clients aux États-Unis au +1 855 258 0900 (appel gratuit) si vous rencontrez des problèmes pour accéder aux informations de ce site Web.

Suunto Kailash Gabay ng Gumagamit - 2.0

Suunto 7R App

I-pair ang iyong Suunto Kailash sa Suunto 7R App upang makakuha ng mga notipikasyon sa iyong relo, i-customize ang mga setting ng relo, pati na rin ang ibahagi ang iyong mga paglalakbay.

Pagpe-pair sa Suunto 7R App

Kung hindi mo pa nape-pair ang iyong relo sa Suunto 7R App, ipo-prompt ka ng relo na magpe-pair ka sa unang pagkakataong papasok ka sa mga setting ng CONNECTIVITY (CONNECTIVITY).

Upang i-pair ang relo at ang app:

  1. I-download at i-install ang Suunto 7R App sa compatible mong Apple device mula sa iTunes App Store.
  2. Simulan ang app at i-on ang Bluetooth kung hindi pa ito naka-on. Iwanang nakabukas ang app sa foreground sa iyong mobile device.
  3. Sa iyong relo, pindutin nang matagal ang gitnang button upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
  4. Mag-scrol sa CONNECTIVITY (CONNECTIVITY) sa pamamagitan ng ibabang button at pumili gamit ang gitnang button.
  5. Piliin ang Yes (Oo) sa tanong na Pair MobileApp? (Ipe-pair ba ang MobileApp?).
  6. Ilagay ang passkey na ipinapakita sa display ng iyong relo sa field ng kahilingan sa pagpe-pair sa iyong mobile device at i-tap ang Pair (I-pair).

Bluetooth

Naka-on ang Bluetooth sa Suunto Kailash bilang default. Awtomatiko itong nag-a-activate upang magpadala sa at tumanggap ng impormasyon mula sa iyong mobile device kapag nai-pair mo ang iyong sa sa Suunto 7R App.

Gayunpaman, kung hindi mo ginagamit ang app, o ayaw mong i-on ang Bluetooth, maaari mo itong i-off. Tandaang makikita lang ang setting ng Bluetooth kung naka-pair na ang iyong phone at relo.

Upang i-on/i-off ang Bluetooth:

  1. Pindutin nang matagal ang gitnang button upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
  2. Mag-scrol sa CONNECTIVITY (CONNECTIVITY) sa pamamagitan ng ibabang button at pumili gamit ang gitnang button.
  3. Mag-scrol sa Bluetooth (Bluetooth) sa pamamagitan ng ibabang button at pumili gamit ang gitnang button.
  4. I-on/i-off sa pamamagitan ng 7R o ng ibabang button at kumpirmahin sa pamamagitan ng gitnang button.
  5. Pindutin nang matagal ang gitnang button upang lumabas.

Mga notipikasyon

Kung na-pair mo na ang iyong Suunto Kailash sa Suunto 7R App, maaari kang tumanggap ng tawag, mensahe at ng mga push notification sa relo.

notifications Kailash

Awtomatikong nawawala ang mga notipikasyon kapag natingnan mo na ang mga ito sa iyong smartphone.

Upang i-on/i-off ang mga notipikasyon:

  1. Pindutin nang matagal ang gitnang button upang makapasok sa menu ng mga opsyon.
  2. Mag-scrol sa CONNECTIVITY (CONNECTIVITY) sa pamamagitan ng ibabang button at pumili gamit ang gitnang button
  3. Mag-scrol sa Notifications (Mga Notipikasyon) sa pamamagitan ng ibabang button at pumili gamit ang gitnang button.
  4. Magpalipat-lipat sa naka-on o naka-off sa pamamagitan ng 7R o ng ibabang button at kumpirmahin sa pamamagitan ng gitnang button.
  5. Pindutin nang matagal ang gitnang button upang lumabas.

Sommaire