Ginagamit ng Suunto Kailash ang GPS navigation satellite system.
Naka-on ang GPS bilang default at ginagamit para sa mga pangunahing feature ng Suunto Kailash, gaya ng mga pag-a-update ng oras at lokasyon at ng 7R logbook. Gayunpaman, maaari mong i-off ang GPS kung kailangan sa menu ng mga opsyon sa ilalim ng LOCATION (LOKASYON) » GPS (GPS).
Maaaring kapansin-pansing mag-iiba-iba ang pagsagap ng signal ng GPS depende sa kung nasaang lugar ka sa daigdig at sa paligid na malapit sa iyo.
Ang pinakamagandang signal ay nakukuha sa labas kung saan nakikita nang malinaw ang kalangitan.
Gayunpaman, ang mga gusali, masukal na kagubatan o maulap na lagay ng panahon ay nakakabawas sa kalidad ng pagsagap ng GPS signal. Mahina ang signal sa mga nag-o-orbit na satellite, kaya hindi ito makatagos sa anumang mga solidong istruktura o sa tubig. Kaya naman, habang ikaw ay nasa iyong tahanan, opisina o ilang iba pang gusali, karaniwang hindi gumagana ang pagsagap ng GPS sa iyong relo.