Kapag umabot na sa 10% ang level ng baterya, makakakita ka ng pop-up na nagbibigay-alam sa iyo na mababa na ang level ng baterya.
Kapag umabot sa napakababa ang level ng baterya, makakakita ka ng notipikasyong mag-recharge.
Sa puntong ito, magsisimulang magpatay-sindi ang icon na baterya na nasa ibaba ng timeline view. Awtomatikong mag-o-off ang mga feature na navigation at connectivity hanggang sa mai-recharge ang relo.
I-recharge ang relo sa pamamagitan ng pagkakabit ng inilaang cable sa relo at pagpa-plug sa dulo ng USB sa computer o sa charger na pangdingding.
Ang itatagal ng baterya sa isang pag-charge ay nakabatay sa kung paano ginagamit ang Suunto Kailash. Ang mabababang temperatura, halimbawa, ay nakakabawas sa itatagal ng isang pag-charge. Sa pangkalahatan, ang kakayahan ng mga rechargeable battery ay bumababa habang tumatagal.
Kung sakaling may hindi normal na pagbaba sa kakayahan dahil sa may depektong baterya, sinasaklaw ng warranty ng Suunto ang pagpapalit sa baterya sa loob ng 1 taon o para sa maximum ng 300 beses na pagcha-charge, alinman ang mauna.