Mga Feature
7R logbook
Pindutin ang 7R button upang makita ang mga pinakabagong istatistika ng iyong paglalakbay. Kabilang sa buod ng mga istatistika ang:
- Mga nabisitang lungsod: Kailangang gumugol ng 1,000 hakbang sa parehong lungsod upang maituring ang lungsod na nabisita na
- Mga nabisitang bansa: Kailangang gumugol ng 1,000 hakbang upang maituring ang bansa na napuntahan na
- Kabuuang oras sa kasalukuyang kinaroroonang lungsod
- Mga araw ng paglalakbay para sa taon*: ang mga buong araw lang na ginugol sa mahigit 75 km (47 milya) mula sa lokasyon ng iyong tahanan ang binibilang
- Kabuuang distansya na nilakbay*: kabuuang distansya na nilakbay, hindi kasama ang mga biyaheng wala pang 75 km (47 milya) mula sa lokasyon ng iyong tahanan.
- Pinakamalayong distansya mula sa tahanan*
- Average na bilang ng hakbang sa araw-araw: Kinalkula ang average sa 30 araw gamit ang mga araw kung kailan gumawa ng mahigit sa 1000 hakbang
* Kailangan ang lokasyon ng tahanan upang matukoy. Tingnan ang Lokasyon ng tahanan.
Mag-browse sa mga istatistika gamit ang 7R button o ang ibabang button.
Bukod sa kabuuang bilang ng mga nabisitang bansa at lungsod, maaari mong tingnan ang mga pangalan ng mga napuntahan mo.
- Habang nasa view ng mga nabisitang lungsod o view ng mga nabisitang bansa, pindutin nang matagal ang 7R button upang mailagay ang listahan ng mga pangalan.
- I-scroll ang listahan sa pamamagitan ng pagpindot sa 7R button at sa ibabang button.
- Upang lumabas sa listahan, pindutin ang gitnang button.
PAALALA:
Suunto Kailash ay gumagamit ng pang-heograpikong database na GeoNames sa ilalim ng lisensyang Creative Commons Attribution 3.0. Ang database sa Suunto Kailash ay naglalaman ng mahigit 6,000 lugar sa buong mundo na may malaking populasyon. Magkakaiba ang mga pamantayan sa pagpili sa bawat bansa at isinasaalang-alang ang heograpikong laki at populasyon ng bawat bansa.