Ipinapakita ng Barometer profile ang kasalukuyang air pressure sa sea level. Nakabatay ito sa ibinigay na mga reperensyang value at sa palaging sinusukat na ganap na air pressure. Ipinapakita nang naka-graphic ang mga pagbabago sa air pressure sa sea level sa gitna ng display. Ipinapakita ng display ang nairekord sa huling 24 na oras na may pagitan ng pagrerekord na 30 minuto.
Kapag ang Barometer profile ay naka-activate, ang salitang Baro ay nakasalungguhit sa display.
Kapag naka-activate ang Barometer profile, maa-access mo ang mga sumusunod na view gamit ang :
Kung suot mo ang iyong Suunto Essential sa iyong pupulsuhan, kailangan mo itong tanggalin para makakuha ng tumpak na reading ng temperatura dahil maaapektuhan ng temperatura ng iyong katawan ang unang reading.
Ang isang 7-araw na log ng mga pagbabago sa air pressure sa sea level ay maaaring makita sa alti-baro memory sa Menu (tingnan ang Memory ng Alti-baro).
Nagha-hike ka pa rin at napapagod ka na. Nagpasya kang umidlip at itinayo mo ang iyong tent. Dahil mananatiling hindi nagbabago nang ilang sandali ang iyong altitude, ini-activate mo ang BarometerBarometer profile. Paggising mo, malalaman mo ang mga pagbabago sa air pressure sa sea level nang inoobserbahan ang lagay ng panahon.
Kapag nagrerekord ka ng mga log sa altimeter profile, maaari kang lumipat sa Barometer profile kapag kunwari ay nagpahinga sa panahon ng pagha-hike.
Patuloy na irerekord ng pangrekord ng log ang log, ngunit hindi nito irerekord ang mga pagbabago sa air pressure. Kapag in-activate ang profile ng barometer, ipinapalagay ng device na hindi ka nagbabago ng altitude, kaya hindi nito irerekord ang anumang mga pagbabago sa altitude. Kaya naman, ang log ng altitude ay magiging flat sa panahong ito. Para sa impormasyon sa paggamit sa pangrekord ng log, tingnan ang Pagrerekord ng mga log.
Maaari mong simulan, itigil at i-reset ang pagsukat ng altitude habang nasa profile na Barometer.
Nirerekord mo ang iyong mga pagbabago sa altitude habang nagha-hike at nagpasyang magpahinga nang mas matagal. Lilipat ka sa Barometer profile. Dahil patuloy ang pagrerekord sa altitude ngunit walang nagaganap na mga pagbabago sa altitude, pumunta ka sa view ng log ng pangrekord sa profile na Barometer at itinigil ang pagrerekord sa altitude.