Suunto s'engage à amener ce site Web au niveau AA de conformité aux directives d'accessibilité du contenu Web (Web Content Accessibility Guidelines, WCAG) 2.0 ainsi qu'à assurer sa conformité aux autres normes d'accessibilité. Adressez-vous au Service clients aux États-Unis au +1 855 258 0900 (appel gratuit) si vous rencontrez des problèmes pour accéder aux informations de ce site Web.

Suunto Essential Gabay ng Gumagamit -

Paggamit sa profile na altimeter

Kinakalkula ng altimeter profile ang altitude batay sa mga reperensyang value. Ang mga reperensyang value ay maaaring alinman sa air pressure sa sea level o isang naunang punto ng reperensyang value ng altitude. Kapag ang altimeter profile ay naka-activate, ang salitang Alti ay nakasalungguhit sa display.

Kapag naka-activate ang altimeter profile, maa-access mo ang mga sumusunod na view gamit ang View:

  • Pangrekord ng log: nirerekord ang mga pagbabago sa altitude sa mga log.
  • sinusukat ang pagkakaiba ng altitude mula sa isang naka-set na punto
  • Temperatura: sinusukat ang kasalukuyang temperatura
  • Walang laman: walang karagdagang impormasyon

Using altimeter profile

Paggamit sa tagasukat ng pagkakaiba ng altitude

Ipinapakita ng tagasukat ng pagkakaiba ng altitude ang pagkakaiba sa altitude sa pagitan ng isang naka-set na punto at ang iyong kasalukuyang posisyon. Ang feature na ito ay espesyal na nagagamit para sa pag-akyat sa bundok, halimbawa kapag gusto mong subaybayan ang iyong pagsulong may kinalaman sa pagtaas ng altitude.

Upang gamitin ang tagasukat ng pagkakaiba ng altitude:

  1. Sa mode ng Alti & Baro, piliin ang view ng tagasukat ng pagkakaiba ng altitude.
  2. Pasimulan, ihinto at muling simulan ito gamit ang Start Stop.
  3. Pindutin nang matagal ang + para mag-reset.

Magsisimula ka nang umakyat ng bundok na 3, 280 feet (1000 m) ang taas. Gusto mong malaman ang iyong pagsulong habang umaakyat ka, kaya in-activate mo ang tagasukat ng pagkakaiba ng altitude sa iyong . Nagsimula kang umakyat, paminsan-minsan mong tinitingnan ang iyong altitude upang malaman kung gaano ka kalayo sa susunod na check point. Sa ilang punto, nagsimula kang mapagod. Tiningnan mo ang iyong altitude, at nalamang mahaba pa ang iyong aakyatin. Maaaring kailangan mong muling pag-isipan ang iyong susunod na check point.

Pagrerekord ng mga log

Iniimbak ng pangrekord ng log ang lahat ng pagkilos sa altitude sa pagitan ng mga oras ng simula at pagtigil. Kung ikaw ay nasa isang aktibidad kung saan nagbabago ang iyong altitude, maaari mong irekord ang mga pagbabago sa altitude at tingnan ang nakaimbak na impormasyon sa ibang pagkakataon.

Maaari mo rin i-set ang mga marka ng altitude (mga lap), na pinapahintulutan kang tingnan ang haba at ang taas ng pag-akyat/pagbaba sa pagitan ng iyong dating marka at kasalukuyang marka. Iniimbak ang iyong mga marka sa memory at maaari mong i-access ang mga iyon sa ibang pagkakataon.

Upang magrekord ng log:

  1. Sa mode na Alti & Baro, piliin ang view na pangrekord ng log.
  2. Pasimulan, ihinto at muling simulan ito gamit ang Start Stop.
  3. Kapag nagrerekord ka ng log, i-set ang mga lap gamit ang +.
  4. Pindutin nang matagal ang + upang i-reset (magagawa lamang ito kapag nakatigil ang pangrekord).

Pagkakaiba sa taas sa log: ipinapakita ang pagkakaiba ng nasukat na altitude sa pagitan ng punto ng pagsisimula ng log at punto ng pagtatapos ng log sa pamamagitan ng mga sumusunod na icon:

Sa mga karagdagang view:
Recording icon 1ay idini-display kapag mataas sa iyong altitude ang punto ng pagsisimula.
Recording icon 2ay idini-display kapag magkapareho ang iyong altitude sa punto ng pagsisimula.
Recording icon 3ay idini-display kapag mababa ang iyong altitude sa punto ng pagsisimula.
Recording icon 4ay idini-display kapag tiningnan mo kung gaano kang umakyat mula sa simula ng log.
Recording icon 5ay idini-display kapag tiningnan mo kung gaano ang ibinaba mo mula sa simula ng log.

Inirerekord ang mga punto ng altitude ayon sa pagitan ng pagrerekord na pinili mo (tingnan ang Pagpili ng pagitan ng pagrerekord).

Upang palitan ang bilis ng pagrerekord:

  1. Sa Menu, piliin ang memory.
  2. Piliin ang rec interval.
  3. Baguhin ang rate ng pagrerekord gamit ang + at - Light.
PAALALA:

Ipinapakita ang isang pagtatantya kung gaano katagal ka maaaring magrekord sa gawing ibabang bahagi ng display kapag nag-browse ka sa pagitan ng mga bilis ng pagrerekord. Maaaring bahagyang mag-iba-iba ang aktuwal na tagal ng pagrerekord depende sa iyong aktibidad habang nasa panahon ng pagrerekord.

Maaari mong ma-access ang kasaysayan ng mga na-record na log, kasama ang mga detalye ng log, mula sa logbook sa Menu (tingnan ang Pag-tingin at pagla-lock ng mga log).

TIP:

Kapag itinigil mo ang pangrekord ng log, maaari kang pumasok sa logbook at tingnan ang iyong kasalukuyang mga narekord bago mo i-reset ang pangrekord.

Sommaire