Tinitiyak ng Suunto na sa Haba ng Warranty na aayusin ng Suunto o ng isang Awtorisadong Service Center ng Suunto (mula dito ay tatawaging Service Center), ayon sa sarili nitong kapasiyahan, ang mga depekto sa materyales o pagkakagawa nang walang bayad sa pamamagitan ng alinman sa a) pagkukumpuni, o b) pagpapalit, o c) pagsasauli sa bayad, alinsunod sa mga patakaran at kondisyon ng Limitadong Warranty na ito. Ang Limitadong Warranty na ito ay may-bisa lamang sa bansang pinagbilhan, maliban kung iba ang hinihingi ng lokal na batas.
Ang Panahong Saklaw ng International Limited Warranty ay nagsisimula sa petsa ng orihinal na retail na pagbili.
Ang Panahong Saklaw ng Warranty ay dalawang (2) taon para sa Mga Relo, Smart Watch, Dive Computer, Heart Rate Transmitter, Dive Transmitter, Dive Mechanical Instrument, at Mechanical Precision Instrument maliban kung iba ang nakasaad.
Ang Panahong Saklaw ng Warranty ay isang (1) taon para sa mga aksesorya kasama ang, ngunit hindi limitado sa, mga Suunto chest strap, watch strap, charger, cable, nare-recharge na baterya, bracelet at hose.
Ang saklaw ng garantiya ay limang (5) taon para sa mga pagkasira na may kaugnayan sa pagsukat sa kalaliman (presyur) na sensor sa Suunto Dive na mga kompyuter.
Hindi kasama sa Limitadong Warantiyang ito ang:
Hindi ginagarantiyahan ng Suunto na ang paggana ng Produkto ay hindi maaantala o walang pagkakamali, o na gagana ang Produkto o aksesorya kasama ng anumang hardware o software na nagmumula sa isang ikatlong partido.
Ang Limitadong Warranty na ito ay hindi maipapatupad kapag ang Produkto o aksesorya ay:
Dapat ay magbigay ka ng katibayan ng pagbili para magamit mo ang serbisyo sa warranty ng Suunto. Para sa mga tagubilin kung paano kumuha ng serbisyo sa warranty, bumisita sa www.suunto.com/warranty, makipag-ugnayan sa iyong lokal na retrailer ng Suunto, o tumawag sa Suunto Contact Center.
Hanggang sa sukdulang pinahihintulutan ng naaangkop na ipinapatupad na batas, ang Limitadong Warranty na ito ay ang natatangi at eksklusibong remedyo at na pumapalit sa lahat ng iba pang mga warranty, ipinabatid man o ipinahiwatig. Hindi mananagot ang Suunto para sa espesyal, incidental, pagpaparusa o mga kanahihinatnang sira, kabilang ngunit hindi limitado sa pagkawala ng mga inaasahang benepisyo, pagkawala ng mga data, pagkawala ng gamit, halaga ng kapital, halaga ng anumang pamalit na kagamitan o mga pasilidad, mga paghahabol sa ikatlong partido, pinsala sa ari-arian na nagmumula sa pagbili o paggamit sa device o nagmumula sa paglabag sa warranty, paglabag sa kontrata, pagpapabaya, masamang gawain, o anumang legal o nagagamit na teorya, kahit pa alam ng Suunto ang posibilidad ng mga nabanggit na sira. Ang Suunto ay hindi mananagot sa pagkaantala sa pagbibigay ng serbisyo ng warranty.