Paglalangoy sa pool
Kapag ginagamit sa paglalangoy sa pool na sport mode, sinusukat ng Suunto Ambit2 S ang tulin mo sa paglangoy batay sa haba ng pool.
Para magtala ng isang log ng paglalangoy sa isang pool:
- Pindutin ang Start Stop upang makapasok sa start menu.
- Pindutin ang Next para makapasok sa Exercise (Ehersisyo).
- Mag-scroll sa Pool swimming (Paglalangoy sa pool) gamit ang Light Lock at piliin gamit ang Next.
- Piliin ang laki ng pool. Mapipili mo ang haba ng pool mula sa nakatakda nang value, o piliin ang custom (naka-customize) na opsyon para matukoy ang haba ng pool. I-scroll ang opsyon gamit ang Start Stop o Light Lock at piliin ang value gamit ang Next.
- Pindutin ang Start Stop para magsimulang itala ang log mo sa paglangoy.
