Suunto app
Gamit ang Suunto app, mas mapapaganda mo ang iyong karanasan sa Suunto Ambit2 R sa pamamagitan ng pagsuri at pagbabahagi ng iyong mga pagsasanay, pagkonekta sa mga partner at higit pa.
Para ipares ang iyong relo sa Suunto app:
- I-download at i-install ang Suunto app sa iyong compatible na mobile device mula sa App Store, Google Play bukod sa ilang sikat na app store sa China.
- Buksan ang Suunto app at mag-sign in.
- Isaksak ang relo mo sa computer gamit ang USB cable.
- Buksan ang SuuntoLink kung hindi pa ito gumagana.
- Sundin ang gabay sa SuuntoLink.
Masi-sync ang lahat ng iyong session ng pagsasanay sa Suunto app sa pamamagitan ng SuuntoLink.