Suunto on sitoutunut täyttämään tällä verkkosivustolla verkkosivuston saavutettavuusohjeiden (WCAG-ohjeistus) 2.0-version AA-tason vaatimukset sekä myös muiden saavutettavuutta koskevien standardien vaatimukset. Soita yhdysvaltalaiseen asiakaspalvelunumeroon +1 855 258 0900 (maksuton), jos tämän sivuston tietojen saavutettavuudessa on ongelmia.

Suunto Ambit2 R Gabay sa User - 2.0

Pagsisimula ng ehersisyo

Upang simulan ang pag-eehersisyo:

  1. Basain nang kaunti ang mga contact area at isuot ang heart rate belt (opsyonal).
  2. Pindutin ang Start Stop upang makapasok sa start menu.
  3. Pindutin ang Next para makapasok sa Exercise (Ehersisyo).
  4. I-scroll ang mga sport mode gamit ang Start Stop o Light Lock at piliin ang naaangkop na mode gamit ang Next
  5. Awtomatikong nagsisimulang maghanap ang relo ng heart rate belt signal, kung ang napiling sport mode ay gumagamit ng heart rate belt. Hintaying mag-abiso ang relo na ang heart rate at/o GPS signal ay natagpuan na, o pindutin ang Start Stop para piliin ang Later (Mamaya). Patuloy na naghahanap ang relo ng heart rate/GPS signal.
    Kapag nakahanap na ng heart rate/GPS signal, magsisimula ang relo na magpakita at mag-record ng heart rate/GPS data.
  6. Pindutin ang Start Stop upang simulang i-record ang ehersisyo mo. Para magamit ang menu ng mga opsyon, pindutin nang matagal ang Next (tingnan ang Mga karagdagang opsyon sa sport mode).

starting exercise Ambit2

Sisällysluettelo