Kapag nagha-hike o nagte-trek, laging magandang subaybayan ang estado ng paligid at ng lagay ng panahon.
Weather na mga insight ay nagbibigay ng mga lagay ng panahon sa konteksto ng kasalukuyan mong pag-hike. May kombinasyon ng mga function na kapaki-pakinabang para panatilihin kang alerto sa pagbabago-bago ng kalagayan. Makakakuha ka ng mga alarm kapag may bagyo, masusukat mo ang temperatura ng tubig, mapapansin mo kung lalampas na sa paglubog ng araw ang iyong pag-hike at masusubaybayan mo ang barometric trend nang tuloy-tuloy.
Para gamitin ang Weather gamit ang Suunto 9:
Ipinapakita ng mga Weather insight ang mga sumusunod:
Paglubog / Pagsikat ng Araw
Ang paparating na pagsikat o paglubog ng araw, depende sa kung alin ang susunod.
Temperatura
Kung ilulubog mo ang relo sa tubig (sa lalim na 10 cm/ 4 na pulgada) masusukat mo ang temperatura ng tubig. Pagkaalis mo ng relo mula sa tubig ipapakita ang temperatura sa susunod na 30 segundo. Ipinapakita ito sa pamamagitan ng hiwalay na icon ng temperatura.
Kapag nagsukat ka ng tubig, maaapektuhan nito ang mga value ng pag-akyat/pagbaba dahil nakabatay ito sa pressure.
Tinatayang oras ng pagdating (estimated time of arrival o ETA)
Kung lampas na sa paglubog ng araw ang tinatayang oras ng pagdating, ipapakita ito nang pula.
Barometric trend at alarm kapag may bagyo
Ipinapakita ang barometric trend sa ibaba ng screen, nang nakasaad ang kasalukuyang barometric value. Awtomatikong ibibigay ang alarm ng Suunto kapag may bagyo at ipapakita sa view na ito. Ipinapakita ang simbolo ng bagyo kung bababa ang pressure sa 4 hPa (0.12 inHg) o higit pa sa loob ng 3 oras na yugto ng panahon.
Antas ng oxygen
Kung nasa mas mataas sa 2000 m (6 561 ft) ka, makakakuha ka ng reading sa oxygen % kumpara sa antas ng dagat (sea level).