Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto 9 Gabay sa User

SuuntoPlus™ - Variometer

Pangunahin nang dinisenyo ang feature na ito para sa paggamit sa paragliding pero puwede ring magamit gamit ang ibang sport mode Variometer ay nagpapakita ng valid na impormasyon na puwedeng maging kapaki-pakinabang kapag nagpa-paraglide.

PAALALA:

Ginawa lang ang feature na ito para magamit bilang pantulong in-flight at hindi dapat gamitin bilang pangunahing mapagkukunan ng impormasyon.

Para gamitin ang Variometer gamit ang Suunto 9:

  1. Bago mo simulan ang pag-record ng isang ehersisyo, mag-swipe pataas o pindutin ang lower button para buksan ang mga opsyon sa sport mode.
  2. Mag-scroll papunta sa at i-tap ang SuuntoPlus™ o pindutin ang middle button.
  3. Mag-scroll papunta sa at i-tap ang Variometer o pindutin ang middle button.
  4. Mag-scroll pataas papuntang start view at simulan ang iyong ehersisyo gaya ng palagi mong ginagawa.
  5. Habang nag-eehersisyo, mag-swipe pakaliwa o pindutin ang middle button hanggang sa marating mo ang display ng Variometer.

Red Bull Xalps

Ipinapakita ng itaas na bahagi ng display ng Variometer ang kasalukuyan mong horisontal bilis at kasalukuyan mong altitude, na kinalkula mula sa sea level.

Ipinapakita ng variometer scale sa gitna ng display ang vertical na bilis nang real-time, nang hanggang +-3 m/s. Kapag nasa positibo na bahagi ng scale ang bar, pataas ang iyong paraglider. Kapag nasa negatibong bahagi ang bar, pababa ang iyong paraglider. Magbibigay ang Variometer ng alarm kung may magbago sa iyong vertical na bilis sa pamamagitan ng tunog at vibration. Dedepende ang bilis ng alarm na ito sa kung gaano kabilis ang pagtaas at pagbaba mo, katulad ng variometer.

Ipinapakita ng value sa ibaba ng display ang kabuuang pagtaas sa huling thermal.

Palaging nakaturo sa hilaga ang pulang arrow sa labas na gilid ng display.

Table of Content