Ang backlight ay may tatlong feature na puwede mong i-adjust: ang antas ng liwanag (Brightness), kung paano nag-a-activate ang standby na backlight (Standby), at kung mag-a-activate ba ang backlight kapag itinaas mo at ipinihit mo ang iyong wrist (Raise to wake).
Puwedeng i-adjust ang mga feature ng backlight mula sa mga setting sa ilalim ng General » Backlight.
Tinutukoy ng setting ng Brightness ang kabuuang intensity ng backlight; Low, Medium o High.
Kinokontrol ng setting ng Standby ang liwanag ng screen kapag walang naka-on na aktibong backlight (hal. nati-trigger ng pagpindot ng button). Ang dalawang opsyon ng Standby ay On at Off.
Ina-activate ng feature na Raise to wake ang standby na backlight sa regular na time mode at ina-activate ang backlight sa exercise mode kapag inangat sa posisyon ng pagtingin sa relo. Ang tatlong opsyon ng Raise to wake ay:
Puwede mo ring i-set ang backlight na palaging naka-on. Pindutin nang matagal ang middle button para pumasok sa Shortcuts menu, mag-scroll sa Backlight at i-toggle ang switch para sapilitang i-on ang backlight.