Ang paggana ng baterya sa isang pag-charge ay depende sa kung paano mo ginagamit ang headphones at sa kung anong mga kondisyon. Ang mabababang temperatura, halimbawa, ay nakakabawas sa itatagal ng isang pag-charge. Sa pangkalahatan, ang kakayahan ng mga rechargeable battery ay bumababa habang tumatagal.
Napupuno ang baterya ng headphones sa loob ng isang oras na pagcha-charge, at maaari kang makinig ng hanggang sa 10 oras na musika sa isang pag-charge.
Kapag mas mababa na sa 5% ang antas ng baterya, magpe-play ang headphones ng mahinang alarma ng baterya bawat 5 minuto, at kikislap ang mga pulang LED na ilaw.
Upang malaman ang estado ng baterya ng iyong headphones, ikonekta ang produkto sa Suunto app. Makikita mo ang estado ng baterya sa page ng headphones sa app.
Para i-charge ang iyong headphones, maaari mong gamitin ang ibinigay na USB cable o ang portable powerbank.
Kasama sa package ng produkto ang USB charging cable. Para i-charge ang headphones gamit ang cable, ikonekta ang magnetic na dulo ng cable sa charging port ng headphones. Kung naka-on ang headphones, awtomatiko itong mamamatay kapag nagsimula ang pag-charge. Kapag naka-charge ang headphones, nakabukas ang mga LED na ilaw. Kapag puno na ang baterya, mamamatay ang mga LED na ilaw.
Para i-charge ang headphones habang nasa biyahe, may kasamang portable powerbank sa package ng produkto, na nagbibigay ng karagdagang 20 oras sa baterya.
Bago gamitin ang powerbank, kailangan mo itong i-charge gamit ang USB-C cable. (Hindi kasama sa package ang USB-C cable.) Upang malaman ang estado ng baterya ng powerbank, pindutin ang button sa harapan nito. Kikislap ang mga ilaw sa itaas na bahagi ng device, kung saan ang bawat isa ay kumakatawan sa 25% kapasidad ng baterya.
Para i-charge ang iyong Suunto Wing gamit ang powerbank, ipasok ang headphones sa mga butas sa itaas na bahagi nito. Kung naka-on ang headphones, awtomatiko itong mamamatay kapag nakakonekta sa powerbank. Kapag nagsimula ang pag-charge, bubukas ang mga LED na ilaw sa headphones at kikislap ang mga ilaw sa powerbank sa loob ng isang minuto. Kapag puno na ang baterya, mamamatay ang mga LED na ilaw sa headphones.
Habang ipinapasok ang headphones sa powerbank, tiyaking nakadikit ang mga charging port. Magsisimula lang ang pag-charge kapag nakikita mo nang nakabukas ang mga ilaw ng headphones at nagsimulang kumislap ang mga ilaw sa powerbank. Kung hindi mo makita ang mga ilaw, galawin nang kaunti ang mga headphone upang magkadikit ang mga port.
Bago mag-charge, tiyaking walang anumang likido sa mga charging port ng headphones at powerbank. Nakakasira ang likido sa mga charging port sa circuit ng headphones at powerbank.