Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Wing Gabay sa User

Mga LED na ilaw

Idinisenyo ang mga LED na ilaw para makakita ka nang mas mabuti kapag naglalaro ng isports sa madidilim na kalagayan. Dahil sa mga pulang LED na ilaw sa gilid ng iyong Suunto Wing, mas madali kang mapapansin ng mga nasa iyong paligid.

Maaari mong i-on o i-off ang mga LED na ilaw at maaari kang pumili mula sa iba't ibang light mode: mga static na ilaw o kumikislap na may magkakaibang agwat. I-on o i-off ang mga LED na ilaw at magpalit ng mga light mode sa Suunto app o sa pamamagitan ng pagpindot nang matagal sa button.

BABALA:

Hindi pamalit ang LED na mga ilaw sa anumang propesyonal na kagamitang pangproteksyon o pangkaligtasan. Laging siguraduhing ginagamit mo ang naaangkop na kagamitang pangkaligtasan para sa iyong aktibidad.

BABALA:

Ang distansyang naaabot ng mga LED na ilaw ay maaaring maapektuhan ng iba't ibang salik, kasama ang kondisyon ng panahon, liwanag ng paligid, kalidad ng hangin, at iba pang panlabas na mga salik. Laging isaalang-alang ang mga salik na ito bago gamitin ang iyong headphones.

PAALALA:

Pinapabilis ng mga LED na ilaw ang pagkaubos ng baterya ng headphones, at kapag naka-on, nababawasan ng mga ito ang baterya ng mga 50%.

PAALALA:

May mga pamproteksyong coating ang mga LED na ilaw na pumuprotekta sa mga ilaw sa panahon ng produksyon. Pakitandaang naaalis mula sa produkto ang proteksyong ito sa paglipas ng panahon. Normal lamang ito at hindi ito nagdudulot ng anumang pagbabago sa kalidad.

Table of Content