Koneksyon ng dalawang device
Maaari mong sabay na ikonekta ang iyong Suunto Wing sa dalawang Bluetooth device. Sa tulong ng function na koneksyon ng dalawang device, madali kang makakalipat sa iyong phone at makakasagot ng tawag habang nakikinig ng musika sa iyong computer.
Sundin ang mga hakbang na ito upang i-pair ang iyong headphones sa dalawang device:
Kapag naka-off ang headphones:
- Pindutin ang + button nang 5 segundo para i-on ang headphones at makapasok sa pairing mode.
- Habang kumikislap ang mga pulang LED na ilaw, sabay na pindutin ang multifunction button at + button nang 3 segundo para i-enable ang koneksyon ng dalawang device. Tutunog ang headphones kapag na-enable na ang function.
- Sa mga setting ng Bluetooth ng unang compatible na device, buksan ang listahan ng mga kalapit na device.
- Hanapin ang Suunto Wing sa listahan at i-pair ang headphones sa unang device.
- Sabay na pindutin ang + at – button nang 3 segundo para makapasok muli sa pairing mode.
- Sa mga setting ng Bluetooth ng ikalawang compatible na device, buksan ang listahan ng mga kalapit na device.
- Hanapin ang Suunto Wing sa listahan at i-pair ang headphones sa ikalawang device.
- Kapag ikinonekta mo ang ikalawang device, pansamantalang madidiskonekta ang unang device sa headphones. Para ikonektang muli ang unang device, pumunta sa mga setting ng Bluetooth ng device o i-restart lamang ang headphones.
Kapag naka-on na ang headphones at naka-pair na sa isang device:
- Sabay na pindutin ang + at – button nang 3 segundo para makapasok sa pairing mode.
- Habang kumikislap ang mga pulang LED na ilaw, sabay na pindutin ang multifunction button at + button nang 3 segundo para i-enable ang koneksyon ng dalawang device. Tutunog ang headphones kapag na-enable na ang function.
- Sa mga setting ng Bluetooth ng ikalawang compatible na device, buksan ang listahan ng mga kalapit na device.
- Hanapin ang Suunto Wing sa listahan at i-pair ang headphones sa ikalawang device.
- Kapag ikinonekta mo ang ikalawang device, pansamantalang madidiskonekta ang unang device sa headphones. Para ikonektang muli ang unang device, pumunta sa mga setting ng Bluetooth ng device o i-restart lamang ang headphones.
Kapag naka-on na ang headphones at naka-pair na sa Suunto app:
- I-enable ang koneksyon ng dalawang device sa Suunto app.
- Sabay na pindutin ang + at – button nang 3 segundo para makapasok sa pairing mode.
- Sa mga setting ng Bluetooth ng ikalawang compatible na device, buksan ang listahan ng mga kalapit na device.
- Hanapin ang Suunto Wing sa listahan at i-pair ang headphones sa ikalawang device.
- Kapag ikinonekta mo ang ikalawang device, pansamantalang madidiskonekta ang unang device sa headphones. Para ikonektang muli ang unang device, pumunta sa mga setting ng Bluetooth ng device o i-restart lamang ang headphones.
Maaari mong tingnan ang listahan ng mga konektadong device sa Suunto app.
PAALALA:
Kapag ginagamit mo ang Suunto Wing nang may dalawang naka-pair na device nang sabay, tinutukoy ng headphones ang priyoridad ng mga ito batay sa pagkakasunod-sunod ng pine-play na content at mga task. Karaniwang nauuna ang unang na-play na audio kaysa sa ikalawa, at ginagawang priyoridad ang mga tawag sa telepono kaysa sa audio playback. Gayunpaman, maaaring magkaiba ang aktwal na operasyon ng magkakaibang brand at modelo ng mga compatible na device.