Ang Ruler ay isang tool upang ipakita ang distansya sa pagitan ng iyong lokasyon at saanmang pipiliin mo sa mapa sa pamamagitan ng isang tuwid na linya.
Para gamitin ang ruler na ito, pindutin ang ibabang button habang nasa map view (habang nag-eehersisyo o hindi nag-eehersisyo). Kapag nagbukas ang Navigation options, mag-scroll pababa at i-on ang Ruler. Bumalik sa map view at pumili ng alinmang lugar sa mapa para sukatin ang distansya nito mula sa kasakuluyan mong posisyon sa pamamagitan ng isang tuwid na linya. Kapag hindi mo na kailangan ang ruler, maaari mo itong i-off sa Navigation options.