Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Vertical Gabay sa User

Mga media control

Puwedeng gamitin ang iyong Suunto Vertical para kontrolin ang musika, podcast, at iba pang media na ipini-play sa iyong telepono o ikina-cast sa isa pang device mula sa iyong telepono. Bilang default, naka-on ang media controls widget pero puwedeng i-off ito sa pamamagitan ng pag-swipe pataas sa watch face at pagpili sa Media controls.

PAALALA:

Kailangan mong ipares sa iyong telepono ang iyong relo bago mo magamit ang Media controls.

Para ma-access ang media controls widget, pindutin ang ibabang button sa watch face o, habang nag-eehersisyo, pindutin ang gitnang button hanggang sa makita ang media control widget.

widget-mediacontrols

Sa media control widget, ang mga button ay may mga sumusunod na function:

  • I-play/I-pause Itaas na button
  • Susunod na track/episode: Itaas na button (pindutin nang matagal)
  • Nakaraang track/episode at lakas ng tunog: Ibabang button (bubukas ang mga opsyon sa media control)

Pindutin ang gitnang button para lumabas sa media control widget.

PAALALA:

Kung may touch screen ang iyong relo, magagamit din ang mga media control sa pamamagitan ng pag-tap sa mga icon sa screen.

Table of Content