Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Vertical Gabay sa User

Pag-reset sa iyong relo

Ang lahat ng relo ng Suunto ay may available na dalawang uri ng reset upang tugunan ang iba't ibang isyu:

  • ang una, ang soft reset, kilala rin bilang restart.
  • ang ikalawa, ang hard reset, kilala rin bilang factory reset.

Soft reset (restart):

Ang pag-restart sa iyong relo ay maaaring makatulong sa mga sumusunod na sitwasyon:

  • hindi tumutugon ang device sa anumang pagpindot ng button, pag-tap, o pag-swipe (hindi gumagana ang touch screen).
  • ang display ay hindi gumagalaw o blangko.
  • walang vibration, hal., habang pinipindot ang button.
  • hindi gumagana gaya ng inaasahan ang mga functionality ng relo, hal., hindi nire-record ng relo ang iyong heart rate (hindi nagbi-blink ang mga optical heart rate LED), hindi fina-finalize ng compass ang proseso ng pag-calibrate, atbp.
  • hindi talaga binibilang ng pambilang ng hakbang ang iyong mga pang-araw-araw na hakbang (mangyaring tandaan na ang mga nai-record na hakbang ay maaaring huling maipakita sa app).
PAALALA:

Tatapusin at ise-save ng restart ang anumang aktibong ehersisyo. Sa mga karaniwang pagkakataon, hindi mawawala ang data ng ehersisyo. Sa mga bihirang pagkakataon, maaaring magdulot ng mga isyu sa memory corruption ang soft reset.

Pindutin nang matagal ang itaas na button sa loob ng 12 segundo at bitawan ito upang magsagawa ng soft reset.

May mga partikular na pagkakataon kung saan maaaring hindi maresolba ng soft reset ang isyu at maaaring isagawa ang ikalawang uri ng pag-reset. Kung hindi nakatulong ang nasa itaas sa isyung gusto mong iresolba, maaaring makatulong ang hard reset.

Ang hard reset (factory reset):

Ibabalik ng factory reset ang iyong relo sa mga default na value. Buburahin nito ang lahat ng data sa iyong relo, kabilang ang data ng ehersisyo, personal na data at mga setting na hindi nai-sync sa Suunto app. Pagkatapos ng hard reset, dapat mong gawin ang inisyal na setup ng iyong relong Suunto.

Maaaring gawin ang factory reset sa iyong relo sa mga sumusunod na sitwasyon:

  • sinabihan ka ng representative ng Customer Support ng Suunto na gawin ito bilang bahagi ng pamamaraan ng pagtu-troubleshoot.
  • hindi naresolba ng soft reset ang isyu.
  • sobrang nababawasan ang tagal ng buhay ng iyong baterya.
  • hindi kumukonekta ang GPS at hindi nakatulong ang ibang pagtu-troubleshoot.
  • may mga isyu ang device sa pagkonekta sa mga Bluetooth device (hal., Smart Sensor o mobile app) at hindi nakatulong ang ibang pagtu-troubleshoot.

Ginagawa ang factory reset ng iyong relo sa pamamagitan ng Settings sa iyong relo. Piliin ang General at mag-scroll pababa sa Reset settings. Buburahin ng pag-reset ang lahat ng data sa iyong relo. Simulan ang pag-reset sa pamamagitan ng pagpili sa Reset.

PAALALA:

Binubura ng factory reset ang nakalipas na impormasyon sa pagpares ng iyong relo na maaaring mayroon ka. Para simulang muli ang proseso ng pagpares sa Suunto app, inirerekomenda naming burahin mo ang nakalipas na pagpares sa Suunto app at sa Bluetooth ng iyong telepono - sa ilalim ng Paired devices.

PAALALA:

Ang parehong iprinisentang scenario ay isasagawa lamang para sa mga emergency. Hindi mo dapat regular na gawin ang mga ito. Kung magpatuloy ang anumang isyu, inirerekomenda naming kontakin mo ang aming Customer Support o ipadala mo ang iyong relo sa isa sa iyong awtorisadong service center.

Table of Content