Sa Alarms menu ng iyong relo, sa Settings maaari kang magtakda ng iba't ibang uri ng adaptibong alarma.
Maaari kang magtakda ng alarma para sa pagsikat at paglubog ng araw pati na rin para sa bagyo.
Ang mga alarma sa pagsikat/paglubog ng araw na nasa iyong Suunto Vertical ay mga adaptibong alarma na nakabatay sa iyong lokasyon. Sa halip na magtakda ng fixed na oras, itatakda mo ang alarma para sa kung gaano kaaga mo nais na maabisuhan bago ang aktuwal na pagsikat o paglubog ng araw.
Natutukoy ang mga oras ng pagsikat at paglubog ng araw gamit ang GPS, kaya dumedepende ang iyong relo sa GPS data mula sa huling paggamit mo ng GPS.
Para itakda ang mga alarma ng pagsikat/paglubog ng araw:
Mag-scroll papunta sa alarma na nais mong itakda at piliin sa pamamagitan ng pagpindot sa gitnang button.
Itakda ang mga gustong oras at minuto bago ang pagsikat/paglubog ng araw sa pamamagitan ng pag-scroll pataas/pababa gamit ang itaas at ibabang button at pagkumpirma gamit ang gitnang button.
May available ding watch face na nagpapakita ng mga oras ng pagsikat at paglubog ng araw.
Kailangan ng mga oras ng pagsikat at paglubog ng araw ng GPS fix. Blangko ang mga oras hanggang sa mayroon nang available na GPS data.
Ang malaking pagbagsak ng barometric pressure ay karaniwang nangangahulugan na may paparating na bagyo at na kailangan mong sumilong. Kapag aktibo ang alarma ng bagyo, mag-a-alarm ang Suunto Vertical at magpapakita ng simbolo ng bagyo kapag bumaba ang pressure sa 4 hPa (0.12 inHg) o higit pa sa loob ng 3 oras.
Para i-activate ang alarma ng bagyo:
Kapag tumunog ang alarma ng bagyo, tinitigil ng pagpindot ng anumang button ang alarma. Kung walang pinindot na button, tatagal ang notipikasyon na alarma ng isang minuto. Mananatiling nasa display ang simbolo ng bagyo hanggang sa umayos ang lagay ng panahon (bumagal ang pagbagsak ng pressure).