Ang mga SuuntoPlus™sports app ay dinaragdagan ang iyong Suunto Vertical ng mga bagong tool at bagong insight para bigyan ka ng inspirasyon at mga bagong paraan para ma-enjoy ang iyong aktibong lifestyle. Makikita mo ang mga bagong sports app sa SuuntoPlus™ Store kung saan ipina-publish ang mga bagong app para sa iyong Suunto Vertical. Piliin ang mga nakawiwili para sa iyo at i-sync ang mga ito sa iyong relo at mas makikinabang ka sa iyong mga ehersisyo!
Para gamitin ang mga SuuntoPlus™ sports app:
Puwede mong piliin sa Suunto app kung aling mga SuuntoPlus™ sports app ang gusto mong gamitin sa relo. Bumisita sa Suunto.com/Suuntoplus para makita kung aling mga sports app ang available para sa iyong relo.
Siguruhing ang iyong Suunto Vertical ay may pinakabagong bersyon ng software at na nai-sync mo sa Suunto app ang iyong relo.