Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Traverse Gabay sa User - 2.1

Pagsubaybay sa aktibidad

Sinusukat ng Suunto Traverse ang iyong mga pang-araw-araw na hakbang at tinatantya ang mga nabawas na calorie sa buong araw batay sa iyong mga personal na setting.

Available ang iyong tinantyang pang-araw-araw na bilang ng hakbang bilang default na view sa display ng oras. Pindutin ang VIEW upang gawin itong view ng counter ng hakbang. Ina-update ang bilang ng hakbang tuwing 60 segundo.

time step view

Ipinapakita ang bilang ng pang-araw-araw na hakbang at mga nabawas na calorie sa ilalim ng DISPLAYS (MGA DISPLAY) » Steps (Mga Hakbang). Nire-reset ang mga value araw-araw sa hatinggabi.

steps calories logbook

PAALALA:

Ang pagsubaybay sa aktibidad ay batay sa iyong paggalaw gaya ng sinusukat ng mga sensor sa relo. Ang mga value na ibinibigay ng pagsubaybay sa aktibidad ay mga pagtatantya at hindi para sa anumang uri ng medikal na diagnostics.

History ng hakbang

Suunto Traverse nagbibigay ng kumpletong history ng bilang ng iyong hakbang. Ipinapakita sa display ng hakbang ang iyong mga pang-araw-araw na hakbang, pati na ang pangkalahatang-ideya ng mga lingguhan, buwanan at taunang trend. Maaari mong ipakita/itago ang display ng hakbang mula sa start menu sa ilalim ng DISPLAYS (MGA DISPLAY) » Steps (Mga Hakbang). Kapag naka-activate, maaari mong tingnan ang iyong history ng hakbang sa pamamagitan ng pagpindot sa NEXT upang mag-scroll sa mga aktibong display.

steps display Habang nasa display ng mga hakbang, maaari mong pindutin ang VIEW upang makita ang iyong mga 7 araw, 30 araw at taunang trend. steps display views

Table of Content