Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Traverse Gabay sa User - 2.1

Oras

Ipinapakita ng time display sa iyong Suunto Traverse ang sumusunod na impormasyon:

  • itaas na row: petsa
  • gitnang row: oras
  • ibabang row: palitan gamit ang VIEW upang ipakita ang dagdag na impormasyon gaya ng pagsikat/paglubog ng araw, altitude at level ng baterya.

Sa menu ng mga opsyon sa ilalim ng GENERAL (PANGKALAHATAN) » Time/date (Oras/petsa), maaari mong i-set ang mga sumusunod:

  • Dalawahang oras
  • Alarma
  • Oras at petsa

Alarm clock

Maaari mong gamitin ang iyong Suunto Traverse bilang isang alarm clock. I-on/i-off ang alarma at i-set ang oras ng alarma sa menu ng mga opsyon sa ilalim ng GENERAL (PANGKALAHATAN) » Time/date (Oras/petsa) » Alarm (Alarma).

Kapag naka-on ang alarma, lalabas ang simbolo ng alarma sa karamihan ng mga display.

Kapag tumunog ang alarma, maaari mong:

  • I-snooze sa pamamagitan ng pagpindot sa LIGHT. Ang alarma ay titigil at magsisimula ulit kada limang minuto hanggang sa itigil mo ito. Maaari kang mag-snooze nang hanggang 12 beses sa kabuuang 1 oras.
  • Ihinto sa pamamagitan ng pagpindot sa START. Ang alarma ay hihinto at muling tutunog sa parehong oras kinabukasan, maliban na lang kung io-off mo ang alarma sa menu ng mga opsyon.

alarm clock

PAALALA:

Kapag nag-ii-snooze, magpapatay-sindi ang icon ng alarma sa time display.

Pagsi-sync ng oras

Maa-update ang iyong Suunto Traverse na oras sa pamamagitan ng iyong mobile phone, computer (Suuntolink) o oras sa GPS.

Kapag ikinonekta mo ang iyong relo sa computer gamit ang USB cable, ia-update ng Suuntolink bilang default ang oras at petsa sa iyong relo ayon sa orasan sa computer.

Oras sa GPS

Itinatama ng oras sa GPS ang diperensya sa pagitan ng iyong Suunto Traverse at ng oras sa GPS. Sinusuri at itinatama ng oras ng GPS ang oras sa tuwing nakakakita ng GPS fix (halimbawa, kapag nagre-record ng isang aktibidad o nagsi-save ng isang POI).

Naka-on ang oras ng GPS bilang default. Maaari mo itong i-off sa menu ng mga opsyon sa GENERAL » Time/date »Time & date.

Daylight Saving Time

Suunto Traverse Sinusuportahan ang mga pagsasaayos ng oras sa Daylight Saving Time (DST) kung naka-on ang oras sa GPS

Maaari mong isaayos ang setting ng Daylight Saving Time sa menu ng mga opsyon sa GENERAL » Time/date »Time & date.

May tatlong setting na available:

  • Automatic – awtomatikong pagsasaayos ng DST batay sa lokasyon sa GPS
  • Winter time – palaging oras sa taglamig (walang DST)
  • Summer time – palaging oras sa tag-init

Table of Content