Bukod pa sa graph ng barometer (tingnanPaggamit sa profile ng barometer), ang Suunto Traverse ay may dalawang indicator ng lagay ng panahon: trend ng lagay ng panahon at alarm sa bagyo.
Ipinapakita ang indicator ng lagay ng panahon bilang isang view sa display ng oras, na nagbibigay sa iyo ng mabilis na paraan upang malaman ang mga pagbabago sa lagay ng panahon.
Ang indicator ng lagay ng panahon ay may dalawang linyang bumubuo ng arrow. Ang bawat linya ay kumakatawan ng 3 oras. Ang pagbabago sa barometric pressure na mas mataas sa 2 hPa (0.59 inHg) sa mahigit tatlong oras ay nagti-trigger ng pagbabago sa direksyon ng arrow. Halimbawa:
matindi ang pagbaba ng pressure sa nakalipas na anim na oras | |
hindi nagbabago ang pressure, ngunit matindi ang pagtaas sa nakalipas na tatlong oras | |
matindi ang pagtaas ng pressure, ngunit matindi ang pagbaba sa nakalipas na tatlong oras |
Ang karaniwang ibig sabihin ng matinding pagbaba ng barometric pressure ay may paparating na bagyo at kailangan mong maghanda. Kapag aktibo ang alarm sa bagyo, magpapatunog ng alarm ang Suunto Traverse at magpapakita ng simbolo ng bagyo kapag bumaba ang pressure sa 4 hPa (0.12 inHg) o mas mababa pa sa loob ng 3 oras.
Naka-off ang alarm sa bagyo bilang default. Maaari mo itong i-on sa menu ng mga opsyon sa ilalim ng GENERAL (ALTI-BARO) » Storm alarm (Alarm sa bagyo).
Hindi gumagana ang alarm sa bagyo kapag mayroon kang naka-activate na altimeter na profile.
Kapag may tumunog na alarm sa bagyo, hihinto ang alarm kapag pumindot ka ng anumang button. Kung walang pipinduting button, uulit nang isang beses ang alarm pagkatapos ng limang minuto. Mananatili sa display ang simbolo ng bagyo hanggang sa umayos ang lagay ng panahon (kapag bumagal ang pagbaba ng pressure).
May nabubuong espesyal na lap (tinatawag na ‘alarm sa bagyo’) kapag nagkaroon ng alarm sa bagyo habang nagre-record ng aktibidad.