Ang tagal ng baterya sa isang pag-charge ay depende sa kung paano mo ginagamit ang headphones at sa kung anong mga kondisyon. Ang mabababang temperatura, halimbawa, ay nakakabawas sa itatagal ng isang pag-charge. Sa pangkalahatan, ang kakayahan ng mga rechargeable battery ay bumababa habang tumatagal.
Napupuno ang baterya ng headphones sa loob ng isang oras na pagcha-charge, at maaari kang makinig ng hanggang sa 10 oras na musika sa isang pag-charge.
Kapag ang level ng baterya ay mas mababa sa 5%, ang mga headphone ay nagpe-play ng mahinang tono ng alarma ng baterya bawat 5 minuto, at ang pulang LED na ilaw ay kumikislap.
Upang malaman ang level ng baterya ng iyong headphones, ikonekta ang produkto sa Suunto app. Makikita mo ang level ng baterya sa page ng headphones sa app.
Para i-charge ng iyong headphones, gamitin ang ibinigay na USB cable.
Kasama sa package ng produkto ang USB charging cable. Para i-charge ang headphones gamit ang cable, ikonekta ang magnetic na dulo ng cable sa charging port ng headphones. Kung naka-on ang headphones, awtomatiko itong mamamatay kapag nagsimula ang pag-charge. Habang nagcha-charge ang headphones, naka-on ang pulang LED light. Kapag puno na ang baterya, ang LED na ilaw ay nagiging puti sa loob ng isang minuto, pagkatapos ay mamamatay ito.