Voice feedback
Kung mayroon kang relo ng Suunto na kayang magbigay ng voice feedback, makakatanggap ka ng voice feedback na may mahalagang impormasyon habang nag-eehersisyo ka. Makakatulong sa iyo ang feedback na subaybayan ang iyong progreso at bibigyan ka nito ng mga kapaki-pakinabang na indicator, ayon sa pinili mong mga opsyon para sa feedback. Ang voice feedback ay nagmumula sa iyong telepono kaya dapat i-pair ang iyong relo at headphones sa Suunto app.
Para i-activate ang voice feedback sa iyong relo bago mag-ehersisyo:
- Bago simulan ang ehersisyo, mag-scroll pababa at piliin ang Voice feedback.
- I-on ang toggle ng Voice feedback from app.
- Mag-scroll pababa at piliin kung aling voice feedback ang gusto mong i-activate sa pamamagitan ng pag-on/pag-off sa mga toggle.
- Tiyaking naka-on ang headphones at naka-pair na sa Suunto app.
- Bumalik at simulan ang iyong ehersisyo tulad ng iyong nakagawian.
Bibigyan ka ngayon ng iyong telepono ng iba't ibang voice feedback habang nag-eehersisyo, depende sa kung aling voice feedback ang na-activate mo.
Para i-activate ang voice feedback sa iyong relo habang nag-eehersisyo:
- Pindutin ang itaas na button para i-pause ang ehersisyo.
- Piliin ang Options.
- Mag-scroll pababa at piliin ang Voice feedback.
- I-on ang toggle ng Voice feedback from app.
- Mag-scroll pababa at piliin kung aling voice feedback ang gusto mong i-activate sa pamamagitan ng pag-on/pag-off sa mga toggle.
- Tiyaking naka-on ang headphones at naka-pair na sa Suunto app.
- Bumalik at ipagpatuloy ang iyong ehersisyo.