Mga uri ng mga pag-iingat para sa kaligtasan
Mga pag-iingat para sa kaligtasan
Ilayo ang USB cable sa mga medikal na kagamitan tulad ng mga pacemaker, maging mga key card, credit card at katulad na item. Ang device connector ng USB cable ay may malakas na magnet na maaaring makasagabal sa paggana ng mga medikal o iba pang elektronikong device at item na may magnetically stored na data.
Maaaring magkaroon ng mga allergic na reaksyon o iritasyon sa balat kapag nalapat sa balat ang produkto, kahit na sumusunod ang aming mga produkto sa mga pamantayan ng industriya. Kapag nangyari ito, ihinto kaagad ang paggamit nito at kumonsulta sa doktor.
Palaging kumonsulta sa iyong doktor bago magsimula ng programa sa pag-eehersisyo. Puwedeng magdulot ng matinding pinsala ang labis na pagpapagod.
Ang mga produkto at serbisyo ng Suunto ay para lang sa paglilibang at hindi ginawa para sa anumang uri ng mga medikal na layunin.
Maaaring makaapekto ang pagsusuot ng headphones sa iyong kakayahang marinig ang iyong paligid. Responsableng gamitin ang iyong headphones at unahin ang kaligtasan.
Bago mag-charge, tiyaking hindi basa ang charging port ng headphones. Masisira ang headphones kapag may anumang likido sa charging port.
Huwag gamitin ang produkto kapag kumukulog at kumikidlat. Maaaring hindi gumana nang normal ang device at tumaas ang panganib na makuryente kapag kumukulog at kumikidlat.
Kahit na waterproof ang iyong headphones, huwag itong i-charge kapag basa ito. Maaaring magkasunog o makuryente kapag icha-charge ang basang headphones. Siguraduhing tuyo ang kable para sa pag-charge at ang headphones bago i-charge ang headphones.
Gamitin lamang ang ibinigay na charging cable kapag icha-charge ang iyong Suunto Sonic.
Huwag pahiran ng anumang uri ng solvent ang produkto dahil maaari nitong mapinsala ang surface ng produkto.
Huwag pahiran ng insect repellent ang produkto dahil maaari nitong mapinsala ang surface ng produkto.
Huwag ihampas o ibagsak ang produkto dahil maaari itong masira.
Huwag basta itapon kung saan-saan ang produkto, at sa halip ay ituring itong elektronikong basura para hindi ito makasira sa kapaligiran.
Palaging sumunod sa mga lokal na batas at regulasyon kapag ginagamit ang produkto sa labas at kasama ang mga tao.
Siguraduhing lubos mong nauunawaan kung paano gamitin ang iyong headphones at kung ano ang mga limitasyon nito sa pamamagitan ng pagbabasa ng lahat ng naka-print na dokumentasyon at ng online na manwal sa paggamit. Palaging tandaang pananagutan mo ang iyong sariling kaligtasan.