Ang touch screen at mga button
Ang Suunto Raceay may touch screen, crown (tinutukoy din bilang gitnang button), at dalawang karagdagang button na magagamit mo sa pag-navigate sa mga display at feature.
Mag-swipe at i-tap
- mag-swipe pataas o pababa para mag-navigate sa mga display at menu
- mag-swipe pakanan at pakaliwa upang magpalipat-lipat sa mga display
- i-tap upang piliin ang isang item
Itaas na button
- mula sa watch face, pindutin upang buksan ang menu para sa huling ehersisyo
- mula sa watch face, pindutin nang matagal upang tukuyin at buksan ang mga shortcut
Crown/gitnang button
- pindutin upang piliin ang isang item
- mag-scroll upang mag-navigate sa mga display at menu
- mula sa watch face, pindutin upang buksan ang naka-pin na widget
- sa watch face, pindutin nang matagal upang buksan ang menu ng mga setting
Ibabang button
- pindutin upang bumalik sa mga view at menu
- pindutin nang matagal upang bumalik sa watch face
- mula sa watch face, pindutin upang pumasok sa control panel
- mula sa watch face, pindutin nang matagal upang tukuyin at buksan ang mga shortcut
Habang nagrerekord ng ehersisyo:
Itaas na button
- pindutin para i-pause at ipagpatuloy ang aktibidad
- pindutin nang matagal upang baguhin ang aktibidad
Crown/gitnang button
- pindutin para lumipat sa susunod na display
- pindutin nang matagal para bumalik sa naunang display
Ibabang button
- pindutin para markahan ang isang lap
- pindutin nang matagal upang buksan ang control panel kung saan mo makikita ang mga opsyon ng ehersisyo
- kapag nasa control panel, pindutin upang bumalik sa screen ng aktibidad
- kapag naka-pause ang aktibidad, pindutin para tapusin o i-discard ang aktibidad