Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Race Gabay sa User

Paggamit ng mga target kapag nag-eehersisyo

Posibleng magtakda ng iba't ibang target gamit ang iyong Suunto Race kapag nag-eehersisyo.

Kung may opsyon na mga target ang sport mode na pinili mo, maaari mong i-adjust ang mga iyon bago simulan ang pagre-record sa pamamagitan ng pag-swipe pataas o pagpihit sa crown.

target 10km Phoenix

Para mag-ehersisyo nang may pangkalahatang target:

  1. Bago mo simulan ang pagre-record ng ehersisyo, mag-swipe pataas o pihitin ang crown at piliin ang Target.
  2. Piliin ang Duration o Distance.
  3. Piliin ang iyong target.
  4. Mag-scroll pataas at simulan ang iyong ehersisyo.

Kapag na-activate mo ang mga pangkalahatang target, makikita ang isang target gauge sa bawat display ng data na nagpapakita ng iyong progreso.

Zone gauge S9PP

Makakatanggap ka rin ng notipikasyon kapag naabot mo na ang 50% ng iyong target at kapag nagawa mo na ang pinili mong target.

Para mag-ehersisyo nang may target na intensity:

  1. Bago mo simulan ang pagre-record ng ehersisyo, mag-swipe pataas o pihitin ang crown at piliin ang Intensity zones.
  2. Piliin ang HR zones, Pace zones o Power zones.
    (Nakadepende ang mga opsyon sa piniling sport mode at kung may nakapares kang power pod sa relo).
  3. Piliin ang iyong target zone.
  4. Mag-scroll pataas at simulan ang iyong ehersisyo.

Table of Content