Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Race Gabay sa User

Pagtulog

Mahalaga ang magandang tulog sa gabi para sa isang malusog na isip at katawan. Maaari mong gamitin ang iyong relo upang i-track ang iyong pagtulog at subaybayan kung ilan ang average na dami ng oras ng tulog ang nakukuha mo.

Kapag isinuot mo ang iyong relo sa pagtulog, ita-track ng Suunto Race ang iyong pagtulog batay sa datos ng accelerometer.

Para i-track ang pagtulog:

  1. Mula sa watch face, mag-scroll pababa at piliin ang Sleep.
  2. I-on ang Sleep tracking.

Puwede mong piliing ilagay ang iyong relo sa Do Not Disturb mode sa oras ng pagtulog mo at piliin din kung gusto mong sukatin ang iyong Blood oxygen at HRV tracking habang natutulog ka.

Kapag na-enable mo na ang pag-track ng pagtulog, maaari mo ring itakda ang iyong target sa pagtulog. Kailangan ng isang karaniwang adult ng 7 hanggang 9 na oras ng tulog sa isang araw, bagaman maaaring iba ang iyong ideyal na tagal ng tulog kaysa sa karaniwan.

Mga trend sa pagtulog

Pagkagising mo, may bubungad sa iyong buod ng iyong pagtulog. Kasama sa buod, halimbawa, ang kabuuang durasyon ng iyong pagtulog, pati na rin ang tinantyang oras na gising ka (gumagalaw-galaw) at ang oras na nasa malalim kang pagtulog (walang paggalaw).

Karagdagan pa sa buod ng pagtulog, maaari mong subaybayan ang pangkalahatan mong trend sa pagtulog gamit ang sleep widget. Mula sa watch face, mag-swipe pataas o pihitin ang crown hanggang sa makita mo ang Sleep widget. Ipinapakita ng unang view ang huli mong pagtulog at ang isang graph ng nakalipas na pitong araw.

SleepWidget

Habang nasa sleep widget, maaari kang mag-swipe pataas upang makita ang mga detalye ng iyong huling pagtulog.

PAALALA:

Batay lamang sa paggalaw ang lahat ng mga pagsukat sa pagtulog, kaya mga pagtatantya ang mga ito na maaaring hindi sumasalamin sa aktuwal mong mga nakagawian sa pagtulog.

Pagsukat sa heart rate, oxygen sa dugo, at heart rate variability (HRV) habang natutulog

Kapag isinuot mo ang iyong relo sa gabi, maaari kang makakuha ng karagdagang feedback tungkol sa iyong heart rate, HRV, at antas ng oxygen sa dugo habang natutulog.

Awtomatikong Do Not Disturb mode

Maaari mong gamitin ang awtomatikong Do Not Disturb na setting upang awtomatikong i-enable ang Do Not Disturb mode habang natutulog ka.

Table of Content