Binibigyan ka ng training widget ng impormasyon tungkol sa load ng pagsasanay para sa kasalukuyang linggo at bininigay din nito ang kabuuang tagal sa lahat ng iyong mga sesyon ng pagsasanay.
Binibigyan ka rin ng widget na ito ng patnubay sa iyong kaanyuan, kung nagsisimula nang mabawasan ang iyong fitness, kung napapanatili mo ito, o kung kasalukuyan kang produktibo pagdating sa pagsasanay.
Ang CTL (Chronic Training Load) value ay isang weighted average ng iyong pangmatagalang TSS (Training Stress Score), kapag mas madalas kang nagsasanay, mas mataas ang iyong fitness.
Ang ATL (Acute Training Load) value ay ang 7-linggong weighted average ng iyong TSS, at itina-track nito kung gaano ka kapagod sa kasalukuyan.
Ipinapakita ng TSB (Training Stress Balance) value ang iyong kaanyuan, na siyang pagkakaiba sa pagitan ng pangmatagalang chronic training load (CTL) at panandaliang acute training load (ATL).
Mangyaring sumangguni sa www.suunto.com o sa Suunto app upang matuto nang higit pa tungkol sa konsepto ng pag-aanalisa ng load ng pagsasanay ng Suunto.