Suunto is committed to achieving Level AA conformance for this website in conformance with the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG) 2.0 and achieving compliance with other accessibility standards. Please contact Customer Service at USA +1 855 258 0900 (toll free), if you have any issues accessing information on this website.

Suunto Race Gabay sa User

Mga hakbang at mga calorie

Sinusubaybayan ng iyong relo ang pangkalahatang antas ng iyong aktibidad sa buong araw. Isa itong mahalagang salik kung plano mo lamang na maging fit at malusog o kung nagsasanay ka para sa isang paparating na kompetisyon.

Mabuti ang maging aktibo, ngunit kapag nagsasanay nang matindi, kailangan mong magkaroon ng mga wastong araw ng pahinga na may mababang aktibidad.

Awtomatikong nagre-reset ang counter ng aktibidad sa hatinggabi araw-araw. Sa katapusan ng linggo (Linggo), nagbibigay ang relo ng buod ng iyong aktibidad na nagpapakita ng iyong average para sa linggo at mga araw-araw na kabuuan.

Binibilang ng iyong relo ang mga hakbang gamit ang isang accelerometer. Naiipon ang kabuuang bilang ng hakbang 24/7 gayundin habang nagre-record ng mga sesyon ng pagsasanay at iba pang mga aktibidad. Gayunpaman, hindi nabibilang ang mga hakbang sa ilang partikular na sports, tulad ng paglangoy at pagbibisikleta.

Ang value sa pinakataas ng widget ay ang kabuuang bilang ng hakbang para sa araw na iyon at ang value sa pinakababa ay ang natantyang dami ng aktibong calorie na natunaw mo na sa araw na iyon. Sa ibaba nito, makikita mo ang kabuuang dami ng natunaw na calorie. Kabilang sa kabuuan ang mga aktibong calorie at ang iyong Basal Metabolic Rate o BMR (tingnan sa ibaba).

StepsCal Suunto Race

Ipinapahiwatag ng mga kalahating bilog sa widget kung gaano ka na kalapit sa iyong mga layunin sa pang-araw-araw na aktibidad. Maaaring i-adjust ang mga target na ito ayon sa mga personal mong kagustuhan (tingnan sa ibaba).

Maaari mo ring tingnan ang iyong mga hakbang at natunaw na mga calorie sa nakalipas na pitong araw sa pamamagitan ng pag-swipe pataas mula sa widget.

Mga layunin sa aktibidad

Maaari mong i-adjust ang iyong mga pang-araw-araw na layunin para sa mga hakbang at mga calorie. Mula sa mga setting, piliin ang Activity upang buksan ang mga setting ng layunin sa aktibidad.

ActivityGoals S9PP

Kapag itinatakda ang iyong layunin para sa bilang ng mga hakbang, tukuyin mo ang kabuuang bilang ng mga hakbang para sa araw na iyon.

Nakabatay ang kabuuang dami ng natunaw mong calorie bawat araw sa dalawang salik: ang iyong Basal Metabolic Rate (BMR) at ang iyong pisikal na aktibidad.

TotalCalories

Ang iyong BMR ay ang dami ng calorie na natutunaw ng iyong katawan habang nagpapahinga. Ito ang mga calorie na kailangan mo upang panatilihing mainit-init ang iyong katawan at magsagawa ng mga basic na function tulad ng pagkisap ng iyong mga mata o pagpintig ng iyong puso. Ang bilang na ito ay batay sa iyong personal na profile, kabilang ang mga salik tulad ng edad at kasarian.

Kapag magtatakda ka ng layunin mo para sa calorie, tukuyin mo kung gaano karaming calorie ang nais mong matunaw bilang karagdagan sa iyong BMR. Ito ang tinatawag na mga aktibong calorie mo. Ang bilog sa palibot ng display ng aktibidad ay umuusad ayon sa kung gaano karaming aktibong calorie ang natunaw mo sa buong araw kumpara sa iyong layunin.

Table of Content